ABUCAY, Bataan: Tahimik na naghain ng kandidatura ang grupo ni incumbent Mayor Robin Tagle ng Abucay, Bataan sa huling araw ng filing of Certificates of Candidacy nitong Martes, Oktubre 8, sa municipal office ng Commission on Elections.
Masayang pinangunahan nina Tagle at Vice Mayor Wangbu Pabustan ang paghahain ng COC kasama ang kanilang walong kandidato para sa Sangguniang Bayan o konsehal ng bayan habang nakamasid ang marami nilang supporter.
Sina Tagle at Pabustan ay parehong naka-isang term na sa kanilang panunungkulan at nais na maipagpatuloy ang kanilang paglilingkod sa kanilang mga kababayan. (30)