Tagawalis nabagsakan ng toneladang bigas, patay

    410
    0
    SHARE
    SUBIC BAY FREEPORT – Nasawi ang isang tagawalis ng mabagsakan ito ng toneladang stockpile ng National Food Authority o NFA rice sa loob ng Amerasia warehouse sa Building 1010, NSD Compound dito.

    Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Retired Genaral Orlando Maddela, Jr., manager ng Law Enforcement Department (LED), kinilala ang biktimang si Julie Nuega, 42, residente ng No. 1603 Dominguez St., Balic-Balic, Sta Rita, Olongapo City at sweeper ng Amerasia International, Subic Bay International.

    Ayon sa ulat, nagwawalis ang biktima sa mga nagkalat na butil ng bigas sa loob ng Amerasia warehouse ng mapadaan sa lugar nito ang isang International Trailer Truck na may plakang (UMD-764) na minamaneho ni Jerry Manacmul. Kasunod nito ang pagguho ng stockpile ng NFA rice na may taas na 20-feet at natabunan habang nagwawalis ang biktima ng may 60 sako ng bigas.

    Kaagad namang isinugod ang biktima sa James Gordon Memorial Hospital, subalit idineklara itong dead on arrival ng mga manggagamot.

    Labis naman na nalungkot ang kapamilya ng biktima ng malaman ang nagyari.

    Ayon kay Juliet de Mesa, na isa sa nagpalaki sa biktima, ikinamatay ng biktima ang pagkabali sa kanyang ribs na tumusok pa sa kanyang puso, ito ay ayon aniya sa ipinalabas na autopsy report.

    Nangako naman ang Amerasia na tutulong sa gastusin sa pagpapalibing sa biktima.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here