Tabloid newspaper, nilalait ng opisyal ng SBMA

    663
    0
    SHARE
    Tikom ang bibig ng bawat kagawad ng MEDIA na mga empleyado rin ng SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY ng laitin umano ni Deputy Adminsitrator (DA) for TOURISM, Mr. Raul Marcelo ang dyario na TIKTIK at REMATE.

    Ilang lingo ng nakalipas mula ng magdatingan sa SBMA ang sangkatirbang mga “Junkets” mula Korea para maglaro ng Golf, at siyempre papogi ito sa SBMA at kinakailangan ng COVERAGE TEAM at ng makita ni Mr. Marcelo ang listahan ng mga MEDIA  na iimbibitahin sa coverage, aba! Bigla itong balikwas at sinabi umanong “huwag na yan REMATE, REMATE na yan, TIKTIK, TIKTIK na yan”.

    E! sandamukal na tarantado pala itong si Mr. Marcelo, mga DYARIO yan, di ka ba nagbabasa ng dyario? Sabagay EXECUTIVE ka nga palang bastos at walang modo. Kung biro man yan dapat ilagay mo sa lugar SIR.

    Labis naman nagtataka ang CASTIGADOR dahil ni isa man lamang sa mga kagawad ng MEDIA nga bang maituturing ang hindi nakakapalag sa sinabi ni Mr. Marcelo.

    Ang Tanong Bakit? Walang umalma. Kahit isa man lamang sa inyo?

    Kasi po si Mr. Marcelo ay kasamahan din ninyo sa trabaho na karamihan sa mga CORRESPONDENT ng dyario ay mga empleyado ng SBMA na sumusweldo ng P18,000 hanggang P20,000 kada buwan at ang ilan naman ay mga tinaguriang 15-30 CONSULTANT na sumusweldo ng P15,000 hanggang P20,000 ng walang ginagawa.

    Yan ang totoo, kahit na PAGMUMURAHIN kayo ng harap-harapan ng mga SBMA Officials ay hindi kayo makapalag dahil sila ang amo ninyo. Nakakahiya, hindi tuloy malaman ng taumbayan kung tunay kayong mga kagawad ng MEDIA.

    Ang SBMA ang isa sa pinakamalaking tanggapan ng gobyerno na punong-puno ng anomalya, may naisulat na ba kayo sa inyong mga dyario ha? Puro papogi lang sa SBMA at bulag kayo sa mga masamang nagyayari.

    Dahil sa pangyayaring ito, nakipag-ayos naman daw kaagad itong si Mr. Marcelo at para patunayan ang kanyang senseridad ay nagyaya siya ng isang “inuman” , ngunit binoykot naman ito ng mga SBMA MEDIA-EMPLOYEES.

    E! paano Mr. Marcelo tapos na ang office hour, kaya hindi ka na nila amo, mga REPORTER na po sila, kaya ala ka ng POWER. Anong say mo? Dika nakapalag ano Mr. Marcelo, tinabla ka din.

    Paging, SBMA Administrator Armand Arreza, sir!, Alam mo na ba na yung mga MEDIA-EMPLOYEES mo ay PR na rin ng mga locator? 

    He he he, 2009 na umayos kayo ng hindi kayo nababanatan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here