Sylvia Sanchez proud sa husay ng anak na baguhang artista

    363
    0
    SHARE

    Proud mom si Sylvia Sanchez dahil maganda ang feedback sa acting ng anak niyang si Arjo Atayde. Mula sa Eboy hanggang sa pagbibida ni Arjo sa MMK titled Bangka.

    Mga sikat na actor ang nakasabayan ni Arjo sa audition sa role na  yun pero sa kanya napunta ang naturang episode.

    Hindi kaya tawaging stage mom si Sylvia dahil katuwang niya ang Star Magic sa pagma-manage sa anak niya?

    “Kung ang pagiging stage mom, e, yung sinasabihan ang anak para sa ikabubuti niya na dapat ay marunong siyang makisama sa lahat at maging professional, proud ako na masabihan na stage mom. Pero never kong sinamahan si Arjo sa mga tapings niya,” tugon niya.

    Basta sinasabihan ko lang si Arjo na dapat pag pumunta ka sa isang taping, may tinanggap ka, dapat ready ka.

    Dapat panindigan mo yun. Sinasabihan ko rin na dapat ultimong utility, pakisamahan niya, kahit sino run, hindi
    lang mga producers at staff.

    Tapos, nuong nag-MMK siya, wala ako, nasa ibang bansa, nag-text siya na  Ma, natatakot ako.

    First time ko mag-MMK, so, sabi ko, okay lang, dalhin mo ang takot na yun sa eksena, gawin mong challenge yan. Sinabihan ko kasi na pag umaarte ako, inaabot ko ang mga audience.

    Kahit nasa loob ako ng tv, sinisigurado ko na inaabot ko ang mga viewers sa puso ko, Kaya ang lagi kong sinasabi, ang key mo sa pag-arte ay body language, mata at higit sa lahat puso. Yun ang ginagamit ko kaya sabi ko sa kanya, yun din ang gamitin niya at hindi siya mapapahiya.

    “Dapat pag mapunta sa set, buo ang puso niya, be professional, ayaw kong naririnig na nali-late siya, ayaw kong naririnig na problema siya sa set.

    Sabi ko rin sa kanya, kaya nga siguro nagtagal ako sa industriyang ito kasi naniniwala ako na hindi lang  yun sa talent, e!

    Hindi lang sa galing. Kung mabait ka na tao, marunong kang makisama, respeto at mahal mo yung trabaho mo, hindi ka mawawala sa industriya,” bulalas pa niya.

    Anyway, may sariling career din naman si Sylvia at hindi siya nababakante kahit nag-aartista na si Arjo.

    Pagkatapos ng Mundo Man ay Magunaw,  kasali rin siya sa bagong serye nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap na Be Careful With My Heart na magsisimula sa Lunes bago mag-Showtime.

    Ano pa ba ang mahihiling niya?

    “Sa material na bagay, nakakapagod na tapos meron naman akong mga totoong barkada na nagmamahal sa akin. Nandiyan na ang asawa ko na hanggang ngayon at mahal ako.

    Nandiyan ang mga anak ko na naglalakihan at may sumusunod sa yapak ko. So, sa tingin ko sa ngayon, wala na akong mahihiling pa.

    Kasi sa career ko, sunud-sunod, e! Gusto ko lang na lumaki ang mga anak ko na maayos, marespeto sa kapwa nila, yun lang talaga, “ sey ni Sylvia.

    Sinong lalaki ang sinabihan niya ng Be Careful With My Heart?

    “Siyempre, may mga naging boyfriends ako. Sa mga na-experience ko sa mga ex  ko, pagdating sa asawa ko, siya ang sinabihan ko ng mga pain na naramdaman ko.

    Ang dami ko nang sakit sa buhay kaya sinasabi ko sa kanya please lang, this time be careful, kasi hindi ko na kakayanin ang sakit. Lagi kong sinasabi sa kanya, ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa mamatay ako, ikaw ang gusto kong makasama hanggang buhay ako sa mundong ito.

    At ngayong maganda at maayos ang buhay natin, ayaw ko ng problema. Kaya please lang Art (Atayde), be careful,” aniya pa.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here