Home Headlines Suspek sa tangkang holdap patay sa barilan

Suspek sa tangkang holdap patay sa barilan

426
0
SHARE

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Isang lalaki na nagtangka di-umanong mangholdap ng isang burger stand ang napatay nang makipagbarilan sa mga tumutugis na pulis sa Barangay FE Marcos ng lungsod na ito bandang ala-1:30 ng umaga nitong Miyerkules.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek na armado ng .9mm pistol at lulan ng isang motorsiklo na walang plaka, nakasuot ng dilaw na jacket at helmet.

Ayon sa pulisya, nagkunwa umanong bibili ang suspek sa burger stand na tinatauhan Erwin Basain, 30, ng Pinagcuartelan, Barangay Sto. Nino 1st dito, ngunit bigla raw bumunot ng baril at nagdeklara ito ng holdap.

“But the incident called the attention of the duty security guard from the nearby establishment,” ayon sa ulat ng lokal na pulisya na nakarating sa tanggapan ni Nueva Ecija police acting director Col. Richard Caballero.

Nagawang hadlangan ng security guard ang panghoholdap at tumakas ang suspek hanggang sa tugisin na ito ng nagrespondeng mga pulis.

Nang makarating sa Barangay Abar 2nd ay pinaputukan na umano ng lalaki ang mga pulis na gumanti naman bilang pagtatanggol sa kanilang sarili. Napuruhan umano ang suspek na kagyat nitong ikinamatay.

Narekober ng mga imbestigador ang .9mm na kargado ng bala at ang motorsiklo ng suspek, dagdag pa ng pulisya. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here