PULILAN, Bulacan—Arestado na ang isa sa dalawang itinuturong suspek sa panggagahasa at pagpatay sa dalawang teen-age lovers na natagpuang nakalutang sa isang patubig sa bayang ito sa unang bahagi ng linggong ito.
Ang arestadong suspek ay kinilala ng pulisya na si Ronnie Navidad ng bayan ng Baliuag, samantalang kasalukuyan pang pinaghahanap ang isang Jomar Cortez.
Sila ang itinuturong mga suspek sa pagpatay kay Mark Jay Cruz, 19, at panggagahasa at pagpatay naman kay Princess Valdez, 15, na kapwa natagpuang nakalutang sa isang patubig sa Barangay Cutcut noong Martes at Miyerkoles.
Ayon sa testigong si Vanessa Flaminiano, live-in partner ng suspek na si Cortez, nakita niya ang buong pangyayari noong Linggo ng gabi, ika-5 ng Hulyo.
Sinabi ni Flaminiano na matapos ang kanilang inuman kasama ang dalawang biktima ay nagpaalam ang kanyang live-in partner na si Cortez na aalis, ngunit siyay naghinala na may gagawin itong masama kaya’t sinundan niya ito ng palihim.
Pagdating sa Cutcut Bridge nakita umano ni Flaminiano ang suspek na si Navidad habang naghihintay sa dalawang biktima.
Ayon kay Flaminiano, unang pinatay nina Cortez at Navidad si Mark Jay Cruz sa pamamagitan ng pagpalo sa ulo nito, samantalang sinikmuraan naman ang nobya nitong si Princess Valdez bago hinalay.
Matapos gahasain ay pinalo din umano ng dalawang suspek si Valdez sa ulo at pareho nang inihulog sa patubig ang walang buhay na mga teen-ager.
Ayon pa sa testigo, hindi siya agad nakapagsumbong sa mga pulis dahil sa tinakot siya ni Cortez na papatayin siya maging ang kanyang mga kapatid.
Ngunit dahil sa nakokonsensya, nagsumbong na sa pulisya ang saksi na nagresulta sa pagkakaaresto kay Navidad ngunit nakatakas naman ang live-in partner niyang si Cortez.
Itinanggi naman ni Navidad ang akusasyong sa kanya ni Flaminiano at sinabing sinungaling ang testigo.
Narekober naman ng pulisya sa patubig ang tuwalya ni Valdez at dalawang pares ng tsinelas na umanoy pag-aari ng magkasintahan.
Ayon pa sa ulat, may sugat si Cortez sa kanyang mukha at tila kalmot sa kaliwang bahagi ng katawan na ayon kay Flaminiano ito ay bunga ng panlalaban ni Valdez habang ginagahasa ng suspek.
Sa kasalukuyan ay nakaditene sa Pulilan Municipal Jail si Navidad at patuloy pa rin ang follow-up operation ng kapulisan upang maaresto si Cortez.
Paniwala naman ng kaanak ni Valdez na hindi lamang dalawang tao ang gumawa ng krimen batay na rin sa naging resulta ng awtopsiya ng 15-anyos na biktima.