Suspek sa pagpatay, pinaslang

    316
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG CABANATUAN – Isang 59-anyos na lalaki na nahaharap sa kawing- kawing na kasong kriminal ang pinagbabaril at napatay ng hindi nakilalang suspek sa Barangay Imbuna Jaen, Nueva Ecija kamakalawa.

    Kinilala ng pulisya ang biktima na si Cresenciano Constantino, residente ng Purok 2, Barangay Pamacpacan, Jaen. Si Constantino ay namatay sanhi ng mga tama ng bala mula sa .45 pistola sa iba’t ibang bahagi ng katawan, ayon sa pulisya.

    Ayon kay PO2 Jear Carlos, imbestigador ng lokal na pulisya, nakipag-usap pa ang biktima sa isang Francisco Rivera bandang alas-6 ng gabi bago sumakay sa itim na pickup truck (ABJ-7495) ngunitilang minuto lamang ay umalingawngaw na ang sunod-sunod na putok ng baril.

    Natagpuan ng mga rumespondeng residente si Constantino na duguang nakahandusay sa kalye.

    Sa imbestigasyon ni Carlos, si Constantino ay nahaharap sa mga kaso ng multiple murder, attempted murder, homicide, at paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 o estafa.

    Mayroon din siyang nakabinbing warrant of arrest para sa kasong illegal possession of firearms.

    Sa pulisya ay sinabi ng mga kaanak ng biktima na matagal na itong nakakatanggap ng pagbabanta sa buhay.

    Narekober mula sa lugar na pinangyarihan ng insidente ang 12 slugs ng .45 at apat na piraso ng mga deformed shells.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here