Home Headlines Suspek sa pagpaslang sa barangay chairman timbog, 1 patay sa carnapping

Suspek sa pagpaslang sa barangay chairman timbog, 1 patay sa carnapping

453
0
SHARE
Nasiraan umano ng motorsiklo si "Amboy" habang tumatakas kaya malinaw na nakuha sa CCTV ang mga palatandaan, kasama ang disensyo ng upuan ng motorsiklo. Screen shot ng CCTV footage.

LUPAO, Nueva Ecija – Umiiyak na nanghingi ng tawad ang isang 37-anyos na magsasaka matapos umamin na siya di-umano ang driver ng isa sa mga motorsiklo ng ginamit sa pagpatay kay Barangay San Isidro chairman Reginald Espiritu kamakailan.

 “Sana mapatawad nila ako. Talagang pinagsisihan ko ‘yung nagawa namin,” ayon kay “Amboy,” residente ng Barangay Don Justo, Umingan, Pangasinan.

Hiniling ng pulisya na pansamantalang huwag ilantad ang buong pangalan ng suspek habang isinasagawa ang follow-up investigation.

Ayon kay Amboy, wala siyang ideya na punong barangay ang papatayin ng mga taong kumausap sa kanya. Partikular siyang humingi ng tawad sa naulila ni Espiritu.

Si Amboy ay nadakip sa isang buy-bust operation na isinagawa  sa pangunguna ni Maj. Gregorio Bautista, hepe ng pulisya sa bayang ito.

“Sana, kapitana, patawarin mo ‘ko,” saad ni Amboy. Hindi na umano siya mapagkatulog at naku-kunsensiya mula nang patayin nila si Espiritu sa harapan ng tindahan nito pasado alas-5 ng umaga noong Jan. 24.

Inamin ng suspek ang partisipasyon sa krimen nang tumugma ang motorsiklo na kanyang ginamit sa pagdeliver ng droga sa isa sa dalawang motorsiklo na nakuhanan ng CCTV sa pamamaslang.

Ayon kay Col. Richard Caballero, acting Nueva Ecija police director, positibong kinilala ni Amboy sa isang extra-judicial confession ang kanyang mga kasama, kabilang ang isa pang driver at dalawang gunmen.

Dito ay natukoy na ang isa sa mga gunmen ay napatay sa isang armed encounter sa carnapping incident sa San Jose City noong Jan. 30. 

Ayon kay Caballero, itinuturing nang “solved” ang pamamaslang sa punong barangay.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here