Suspek sa judge slay, patay sa pag-agaw ng baril ng pulis

    446
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS — Patay ang isa sa mga suspek sa pagpatay kay Judge Wilfredo Nieves ng Bulacan Regional Trial Court matapos itong mang-agaw ng baril at manlaban sa loob ng Malolos PNP patrol car nitong Lunes ng umaga sa kahabaan ng MacArthur Highway sa Barangay San Pablo dito.

    Ang napatay ay kinilalang si Arnel Janoras, isa sa mga suspek sa pagpatay kay Judge Nieves na pinagbabaril ng nakaraang linggo.

    Ayon kay Atty. Christian Natividad, mayor ng Malolos, isa si Janoras sa mga suspek sa kaso ni Judge Nieves ngunit aniya’y hindi pa niya lubos na nakukumpleto ang mahahalagang detalye ukol dito.

    Aniya, nagmula ang nasabing patrol car sa CIDG Bulacan patungo sa lungsod ng San Jose Del Monte upang i-inquest ang suspek para sa kasong illegal possession of fire arms nang umano’y mangagaw ng baril ng isa sa mga pulis escort nito.

    Wala pang opisyal na pahayag ang Malolos City Police Station kaugnay sa nasabing insidente.

    Samantala, nakatakda din sanang iharap ang suspek sa isang press conference sa Camp Olivas sa San Fernando Pampanga kaugnay sa pagpatay kay Judge Nieves.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here