Home Headlines Suspected Covid-patients: Sanggol, 2 bata, 1 pa patay sa hospital holding tent

Suspected Covid-patients: Sanggol, 2 bata, 1 pa patay sa hospital holding tent

1036
0
SHARE

Ang tent holding area ng Bulacan Medical Center kung saan namatay ang mga suspected Covid-19 patients. Kuha ni Rommel Ramos



LUNGSOD NG MALOLOS — Tatlong bata kabilang ang isang 9-
buwang sanggol, at isang 51-anyos na babae na mga pinaghihinalaang may sakit na Covid-19 ang namatay habang nilalapatan ng lunas sa tent holding area ng Bulacan Medical Center.

Ayon sa ulat, ang mga suspected coronavirus fatalities ay isang 3-yearold na babae na may sakit na CNS infection probably bacterial meningitis; isang 3-yearold na lalake na nakakaranas ng acute gastroenteritis at severe dehydration; isang 9-month old na babae na may sakit na Hypovolemic shock secondary to bleeding esophageal varice, biliary atresia,; at isang 51-anyos na babae na may septic shock at electrolyte imbalance.

Ayon kay Dr. Hjordis Marushka Celis, PHO 2, ang apat na pasyente ay nakitaan ng mga sintomas ng coronavirus at hindi na maganda ang medical condition ng mga ito nang idating sa kanilang pagamutan.

Bukod daw kasi sa sintomas ng Covid-19 ay may iba pang medical condition ang mga ito at ginawa nila ang makakaya para gamutin ang mga ito ngunit hindi na naisalba pa dahil sa malalang kundisyon.

Ayon sa ulat, nakuhanan ng swab para sa Covid-19 test ang lalake at 9-month old ngunit ang dalawa ay hindi na nakuhanan.

Reklamo naman ni Rafael Oringo Jr., anak ng namatayna 51-anyos na pasyente, walang Covid-19 ang kanyang ina at ilang araw nang nakaconfine sa ibang ospital at inilipat lamang nila sa BMC dahil hindi na nila kaya ang gastos sa ibang pagamutan.

Ngunit pagdating dito ay hindi daw inasikaso ng BMC at hinayaan ang kanyang ina na manatili sa tent kasama ang iba pang namatay na pasyente na maghapon na nakabilad sa araw na ang sobrang init at walang airconditioning system na nagpalala sa sitwasyon ng mga pasyente doon.

Sagot naman ni Celis, hindi talaga gumagana ang airconditioning system ng kanilang holding area dahil ito ang kailangang gawin para maiwasan ang paglaganap ng virus.

Inasikaso naman aniya nila ang ina ni Flores at talaga lamang na malubha na ang kundisyon nito na bagsak ang blood pressure, may diabetes, lagnat at may matinding pananakit ng tiyan.

Ayon pa sa ulat, ang apat na hinihinalang namatay sa Covid-19 ay dapat maipa-cremate o maipalibing sa loob ng 12 oras na bahagi ng protocol sa nasabing virus habang ang mga namatayan ay kailangang sumailalim sa 14-day quarantine.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here