Home Headlines Suspect sa 10 kaso ng estafa tiklo 

Suspect sa 10 kaso ng estafa tiklo 

1135
0
SHARE

LUNGSOD NG CABANATUAN — Kalaboso ang binagsakan ng isang 31-anyos na lalaki na wanted dahil sa 10 kaso ng estafa nang masakote ito ng mga operatiba ng Gapan City police sa Barangay Capalangan, Lungsod ng Gapan nitong Lunes ng umaga.

Ang suspek ay nakilalang si Ryan Christopher Trinidad, residente ng naturang lugar at nakatala bilang most wanted person ng siyudad.

Sa ulat na nakarating kay Nueva Ecija police director Col. Jess Mendez, si Trinidad ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng GCPS sa ilalim ni city police chief Lt. Col. Alexie Desamito at iba pang police units.

Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 64 ng Tarlac City.

Itinakda ng hukuman ang piyansang P180,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na ngayon ay nakapiit sa custiodial facility ng GCPS.

“NEPPO has proven its persistence in terms of Manhunt Charlie Operations. Once again, I am directing all COPs (chiefs of police) to intensify arrests of most wanted persons in compliance with the directives of (Central Luzon police director) Brig. Gen. Matthew P. Baccay,” pahayag ni Mendez.

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here