Na halalan pero kumpara sa dating
Mga nakaraang eleksyon sa atin,
Ang year 2016 – kakaiba marahil.
Partikular dito sa Pampanga mismo,
Kung saan ang lahat ng gustong tumakbo
Ay tila hindi sa tunay na partido
Umaasang makasungkit ng panalo
Kundi sa kung sino itong sa Capitol
Ay kasalukuyang nakaupo ngayon
Ang posibleng bigyan ng kanyang bendisyon
Para sa darating na lokal eleksyon.
Dala na rin nitong sinumang basbasan
Ng butihing Governor ng lalawigan
At ni ‘Tatay Bong’ ay parang nakasandal
Sa pader ika nga sa puntong naturan.
Kaya nga’t sanhi ng isang major factor
Para sa tagumpay nitong kahit simong
Sa year 2016 ay gustong tumakbong
Congressman, board member, mayor at vice mayor
Kay ‘Nanay Baby’ na sila makikampi
Upang ang panalo ay madali-dali
Nilang masungkit at ganap maiuwi
Ang tagumpay kaysa iba pa kumampi.
Ganyan ang eksena na sa ganang aking
Sariling pananaw ang mananatiling
Sandigan sa lokal na eleksyon natin
Ng sinumang nais tumakbo sa atin.
Sapagkat sinuman ang kay ‘Nanay Baby’
Sumama at suportahan nito pati,
Ninety five percent na ating masasabi
Ang major factor ay bitbit n’yan parati
Katulad ni Vice Mayor Christian Halili
Ng Mabalacat ang tapat na nagsabi,
Na kung tatakbo siya, una ay depende
Sa basbas ni ‘Tatay Bong’ at ‘Nanay Baby’.
Subali’t di ngayon kundi ‘baka bukas’
Sa tantya ng inyong abang manunulat;
Pero malapit na (kung si Mabalacat
City Mayor Boking ay di na ‘qualified’)
Para tumakbo pa, kasi ang ‘equity
of the incumbent’ ang higit at posible
Na maaring dalhin ng Kambilan pati,
Kung kaya tameme muna si Halili?
At saka sa puntong yan ay di pa tiyak
Na ang City Dad nga nitong Mabalacat
Ay di na pupuedeng tumakbo sa Siyudad,
Kaya bitin pa ang anumang pahayag
Hinggil sa kung sino ang tatangkilikin
Ni “Nanay Baby’ sa halalang darating,
Bagama’t ang higit nakikita nating
Susuportahan niya ay si Mayor Boking.
Posible rin namang si board member Garbo
Ang umentra dahil kabilang din ito
Sa pinapayungan ng Kambilan mismo,
Na maaring manukin ng Kapitolyo.
Sa ngayon ang tanging masasabi natin
Ay itong kahit na sinumang manukin
Ni ‘Nanay Baby’ sa eleksyong darating,
Ang pagkatalo ay malayong danasin.
Sanhi na rin nitong ang suporta nina
‘Tatay Bong’ at ‘Nanay Baby’ sa lahat na
Nitong ang hangari’y magsilbi talaga
Para sa Kabalen ang tunay na bida!