‘Supreme Court Magistrates, now a subject of an impeachment?’

    330
    0
    SHARE
    Nakababahala na ang sunud-sunod
    Na isyung may bahid ng kaunting ‘cloud of doubt’
    Sa kredibilidad ng ating ‘Supreme Court,’
    Partikular na sa ilang Mahistrados;

    Na pabago-bago ang kanilang ‘stand’
    Sa iisang kaso matapos hatulan;
    Kung saan pinal na ang desisyon minsan
    Ay binabaligtad pa n’yan kadalasan.

    May instansya kasing di lang isang beses
    Ang ‘executory’ na ay paulit-ulit
    Na binabago at parang pinipilit
    Palitawing yan ang tunay na matuwid.

    Gaya nitong kaso ng labing anim na
    Munisipyong ngayon ay pinoprotesta
    Ng ‘LCP’ upang maging lungsod sila
    Ay talaga namang nakapagdududa.

    (Liban sa iba pa na kamukat-mukat,
    Ang hatol ay biglang umikli at sukat; 
    Aywan lang kung dahil sa lubhang malakas
    Ang ‘convict’ sa ilang mas nakatataas).

    Pagkat kahit malinaw na nasasaad
    Sa ‘ting Konstitusyon o Saligang Batas
    Ang ilang bagay na kanilang nilabag,
    Yan ay pilit pa rin yatang binaligtad!

    Di ko ninanais sabihing ang SC
    O ang ‘court of justice’ nati’y nabibili,
    Pero sana’y maging ‘impartial’ parati
    Ang mga ‘justices’ nating honorable

    Na inaasahan nating magbibigay
    Sa atin ng patas at/o pantay-pantay
    Na hustisya’t saka karampatang legal
    Sa mata ng timbangan ng katarungan.

    Na ang sinisimbolo ng nakatakip
    Nitong mga mata’y nagpapahiwatig
    Na ang sukatan ng ating ‘court of justice’
    Ay di nakatitig sa alin mang panig

    Kundi sa tunay na sukatang marapat
    Gamitin, ang siyang mangibabaw dapat;
    Upang ang tunay na matuwid ng lahat
    Ang manaig ayon sa Saligang Batas.

    At di itong iba ang tinititigan
    Kaysa ika nga natin ay tinitingnan
    Upang ang ‘due process’ ang siyang umiral
    Sa panig ng alin pa mang indibidual.

    Sa pag-‘entertain’ ng kaso halimbawa
    Ng ‘impeachment’ sa isang opisyal ng bansa,
    Gaya nitong ngayo’y naging mitsa yata
    Ng ganyan ding kasong sila itong paksa.

    Na isinusulong ng ating Kongreso
    Laban sa ilan nating mga Mahistrado
    Sa di pag-aksyon sa kailangang proseso
    Para mapatalsik ang puntiryang tao?

    Na si Ombudsman Chairwoman M. Gutierrez,
    Bunsod ng aywan kung kawalang interes
    Na mag-‘materialize’ ang kasong ‘impeachment’
    Laban sa naturingang ‘bar of justice head’

    At ngayon ay itong ilang Mahistrado
    Ng ating ‘highest tribunal’ na rin mismo
    Itong sa ‘impeachment’ ay namimiligro
    Na mapatalsik ng Congress o Senado?  
     
    Sa puntong nasabi ay nabahiran na
    Ng alinlangan at kaunting pagdududa
    Ang ating tiwala sa Korte Suprema,
    Kaya’t marapat lang na matanggal sila!

    Upang ang imahe ng ating ‘Supreme Court’
    Na ngayo’y may bahid na nitong ‘clouds of doubt’
    Ay muling maging matatag na bantayog
    Ng Saligang Batas na sadyang maka-Diyos!!!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here