Home Headlines Suporta ng DTI sa MSMEs na naapektuhan ng Bagyong Karding

Suporta ng DTI sa MSMEs na naapektuhan ng Bagyong Karding

626
0
SHARE
DTI-Nueva Ecija provincial director Richard Simangan, Kuha ni Armand Galang

LUNGSOD NG CABANATUAN — Sinisikap ngayon ng Department of Trade and Industry na matulungang makabangon ang mga micro entrepreneur na naapektuhan ng katatapos na Bagyong Karding. Ayon kay Dr. Richard Simangan, provincial director ng DTI-Nueva Ecija, nasa 24 na kabilang sa micro, small and medium enterprises ang kung hindi man nasiraan ng imprastrukrura ay nasalanta ang pananim na gamit sa kanilang produkto. Kabilang na rito ang nasa produksiyon ng calamansi juice na pansamantalang natigil dahil nasalanta ang pinagkukunan ng bunga. Sa Gapan City ay ilang stalls ng maliliit na negosyante ang nasira, ayon kay Simangan.

Sa Kapihan with Media ay ibinahagi ni Simangan na kinuha na ng DTI Central Office ang inisyal na talaan ng mga apektadong MSMEs at umaasa sila na mapagkakakooban ng financial support ang mga ito.m Samantala, mahigpit na binabantayan ngayon ng ahensiya ang galaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin alinsunod sa price freeze na ipinatutupad sa mga ito, ayon kay Romeo Eusebio Faronilo, chief ng consumer protection division. Sinabi ni Faronilo na ang price freeze o pagbabawal sa taas-presyo ng mga pangunahing pangangailangan ay idineklara batay sa deklarasyon ng state of calamity sa Nueva Ecija dahil sa malawakang pinsala na dulot ng supertyphoon. Sa pagsisiyasat ay sapat naman ang supply ng "basic necessities and prime commodities" sa mga pampublikong pamilihan at supermarket sa lungsod na ito, ayon sa DTI.

Gumagana rin umano ang lahat ng pampublikong pamilihan sa limang lungsod at 27 bayan ng Nueva Ecija, batay na rin sa ulat ng Nueva Ecija League of Market Administrators, Inc. at ng Nueva Ecija Consumer Advocacy Association. Gayunman ay naitala ang epekto sa kanilang hanay katulad sa Gapan City na natangayan ng bubong ang slaughterhouse, samantalang nagka-damage ang mga palengke sa Jaen, Cabiao, San Isidro, at San Antonio, ayon sa report.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here