Super showdown nina Angel Locsin at Angelica P

    305
    0
    SHARE

    Ayon kay Direk Ruel Santos Bayani, kulang daw ang term na “showdown” para sa tagisan ng acting na ipinakita nina Angel Locsin at Angelica Panganiban sa Metro Manila Film Festival entry na One More Try. Mas tama raw ang “super-showdown.”

    Unang-una, ’yung characters kasi are designed na magbangga. Because their conflicts are naka-design na wala talagang point na hindi pwedeng hindi sila magtalo or mag-away,” pahayag ng direktor.

    Pero pareho raw napakahusay ng dalawang Angel at may kanya-kanyang strength at edge na ipinakita.

    Say naman ni Angel, lahat naman daw sila ay talagang nag-um-effort sa pelikula nang walang iniisip na patalbugan.

    “Parang nandito lang kami na gustong gawin ang trabaho namin. Parang wala kaming energy para sa kung anu-ano pang… na parang bigyan namin ng isyu ang isa’t isa sa set, parang ganu’n,” say ni Angel.

    Nang tanungin naman namin sa isa pang leading man na si Dingdong Dantes kung sino ang mas magaling sa dalawang aktres, aniya ay magkaiba raw ng husay sina Angel at Angelica.

    “Kanya-kanya sila ng edge, they’re not the same, walang mas magaling sa kanila, may kanya-kanya silang baon kumbaga, so, they are great actresses in their own right,” say ni Dong.

    Hindi lang sa acting nagpatalbugan ang dalawang Angel kungdi maging sa sexy scenes. Pero sa trailer ay wala kang makikita dahil sabi nga ni Direk Ruel, family movie ang gusto nilang iparating sa publiko tungkol sa pelikula.

    Kumbaga, magkakabulagaan na lang daw sa sinehan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here