Super-init ang romansang PACMAN-Krista

    403
    0
    SHARE
    Maging sa Facebook, mainit talagang paksa ang napapabalitang relasyon ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa young actress na si Krista Ranillo.

    Although itinanggi na ito ng kampo ng dalawang sangkot sa issue, patuloy na lumalaki ang balita dahil na rin sa mga insidenteng kung pagtatagpi-tagpiin, iisipin mong para ngang totoo ang tsismis.Unang-unang anggulong sinisilip ay ang pagpunta ni Krista sa Las Vegas kung saan naroroon si Pacman dahil nga sa katatapos lang na laban with Puerto Rican Miguel Cotto.

    Ayon kay Ruffa Gutierrez sa The Buzz last Sunday, nanood daw ang mga magulang niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama at nakita nga raw ng mga ito si Krista sa laban.May mga report ding kasama raw ni Krista ang pamilya niya sa Vegas at narooon ang mga ito para suportahan talaga ang laban ni Pacman since kaibigan naman daw ni Krista ang Pambansang Kamao.

    Bago pa ito, may mga report na ring madalas makitang magkasama sina Krista at Pacman. Pero dahil nga may ginagawang movie ang dalawa na entry sa filmfest ngayong December, puwede mo pang isiping for publicity lang ang pagkaka-link ng dalawa.

    Pero ang talagang masasabing naging dahilan para maghinala ang lahat na totoo ang tsismis ay nang magpadala ng text message si Jinkee kay Kris Aquino at ipinabasa pa ng TV host-actress sa co-hosts niyang sina Boy Abunda at Ruffa last Sunday sa The Buzz.

    Pero nagdesisyon na rin ang tatlo na huwag nang iere pa ang nilalaman ng text message ni Jinkee dahil nakaka-shock daw at hindi dapat lumabas.

    That made the story all the more intriguing. Ano ang nilalaman ng mahiwagang text message na ’yon mula kay Jinkee? Kinukumpirma kaya niya ang relasyon ng asawa kay Krista? Sinugod ba niya ang young actress? Nagkaroon kaya sila ng sampalan at tarayan?

    Pero feeling namin, lalabas din ito. Alam n’yo naman sa showbiz, wala namang naililihim… hindi ako magdadalawang-isip,” say ni Angel.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here