Home Headlines Super Health Center sa San Miguel, pinakamalaki sa ikatlong distrito ng Bulacan

Super Health Center sa San Miguel, pinakamalaki sa ikatlong distrito ng Bulacan

410
0
SHARE

SAN MIGUEL, Bulacan (PIA) — Natapos na ang pinakamalaking Super Health Center (SHC) sa ikatlong distrito ng Bulacan na matatagpuan sa bayan ng San Miguel.

Pinangunahan nina Senate Committee on Health and Demography Chairperson Bong Go at Bulacan 3rdDistrict Representative Lorna Silverio ang inagurasyon ng naturang pasilidad na matatagpuan sa barangay Sta. Rita Matanda.

Ininspeksyon nina Senate Committee on Health and Demography Chairperson Bong Go (pangalawa mula kanan), Bulacan 3rd District Representative Lorna Silverio (pangatlo mula kaliwa) at Mayor Roderick Tiongson (dulong kanan) ang bagong tayong Super Health Center sa barangay Sta. Rita Matanda sa bayan ng San Miguel. (Vinson F. Concepcion/PIA 3)

Ayon kay Go, layunin ng pagtatayo ng SHC o tinatawag ding Primary Care Facility na makapagbigay ng libre at dekalidad na serbisyo sa mga mamamayan.

Ito aniya ay 6-in-1 package na mayroong clinical laboratory, diagnostic and radiologic services, pharmacy, birthing services, dental services, at ambulance services.

Nagkakahalaga ng P12 milyon ang naturang pasilidad na pinodohan ng Department of Health.

May kabuuang 15 SHC ang naitayo at tinatayo sa lalawigan. (CLJD/VFC-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here