Hindi raw ini-expect ni Cesar Montano na tatalunin niya si Nyoy Volante bilang Male Acoustic Singer of the Year sa katatapaos na 3rd Star Awards For Music. ‘Yong ma-nominate lang daw ay malaking karangalan na for him.
Pero ‘yong manalo pa ay isang malaking grasya na raw talaga.
Alay din umano niya kay Sunshine ang napanalunan niyang award. At pati na rin ‘yong song number niya sa kalagitnaan ng nasabing awards night.
“Inspirasyon siya, e,” aniya. “Kaya ko nakukuha ‘yong ganito (parangal na kanyang natanggap) e dahil siya ang lagi kong iniisip.
“Everytime I paint. Everytime I make a movie. Or even when I sing or compose a song. Siya ‘yong motivation ko.”
Reaksiyon naman ni Sunshine sa sinabing iyon ng ng kanyang asawa… “Mahabang kulot ang hair ko!
Ha-ha-ha!
Pero of course, I’m very very flattered. The same thing, gano’n din naman ako kay Buboy (Cesar), inspirasyon ko siya. Sila ng mga anak ko, buhay ko ang mga ‘yan.
Ang sexy at ang ganda-ganda pa rin ni Sunshine. Hindi mo iisiping isa na siyang misis na may tatlong anak.
Ano ba ang kanyang sikreto?
“Wala naman. I don’t diet. I don’t exercise. Minsan sumasama lang ako kay Ara Mina mag-yoga. That’s all.”
Enjoy daw siya sa kanyang pagiging fulltime wife and Mom?
“Every morning, inaassikaso ang mga anak. Pagpasok na nila ng eskuwla, naglilinis ako ng kuwarto. Nag-a-assist ako sa mga helpers namin sa bahay.
“Nag-aalaga ng asawa. Inaasikaso ang pagkain pati damit na isusuot niya. Hindi ako nakakaramdam ng pagod basta rin lang pag-aalaga ng pamilya ang pag-uusapan.
“And it makes me feel good na alam kong naa-appreciate ng mga anak ko at ng asawa ko ‘yong mga ginagawa ko.
“Ten year old na ‘yong panganay namin na si Angelina Ysabel. Si Samantha Anngeline naman, our second child is seven. And Angel Frchesca, my bunso is five years old.
“Malapit nang maging dalagita ang panganay namin. Grade four na siya.
“Nakakatuwa kasi minsan, meron na siyang kilos na parang… uy, parang si Sunshine! ‘Yong gano’n? At the same time, kamukhang-kamukha ko pa.
“Sobrang close silang tatlo sa father nila. Pero close din naman sila sa akin.
“Iyon ang ikinatutuwa ko kay Buboy. Matiyaga ‘yan kahit binubugbog na siya ng mga anak namin sa paglalaro.
“Walang pakialam ‘yan! Ganao’n talaga,” natatawa pang kuwento ni Sunshine.
Nami-miss ba niya ang buhay-showbiz?
“Yong mga ganitong affair (awards night), it makes me feel good na kahit papano, nakikita ko pa rin ‘yong mga artista na kilala ko before. Pati kayo from the press na kaibigan ko.
“Pero ‘yong magpuyat… parang hindi muna.
“Nag-i-enjoy naman ako sa mga kids. Pero kapag may dumating na offer na okey din sa aking asawa, walang problema,” sabi pa ni Sunshine.