HAGONOY, Bulacan – Dahil sa malakas na ulang hatid ng bagyong Juan, himalang hindi tuluyang natupok ang isang bahay na nasusunog sa bayang ito at hindi rin nadamay ang mga katabing bahay kahapon ng umaga.
Walang nasaktan sa insidente at hindi pa rin matukoy ang halaga ng nasunog.
Ang bahay na nasunog ay matatagpuan sa Villa Clara Subdivision, barangay San Sebastian sa bayang ito at pag-aari ng isang Susan Castro, dalaga, at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang cargo shipping company sa Maynila.
Walang tao sa bahay ng masunog ito dahil si Castro ay umuuwi lamang doon kapag Sabado at Linggo. Siya ay umalis ng bahay noong Lunes ng umaga.
Ayon kay Terry Sunga, isang empleyado sa katabing Maxi-Spring Water refilling station na pag-aari ng kaanak ni Castro, una nilang napansin ang makapal na usok sa bubong ng bahay bandang alas-8 ng umaga kahapon.
Sinabi niya na hindi agad napasok ng mga bumbero at mga kapitbahay ang nasusunog na bahay dahil nakakandado ang gate at mga pinto’t bintana ng bahay ni Castro.
“Sinira lang nila yung lock sa gate kaya nakapasok at nabomba ng tubig yung loob,” aniya.
Batay naman sa imbestigasyon ng Hagonoy Municipal Fire Station, tuluyang naapula ang apoy bandang alas 9:40 ng umaga.
Ayon pa sa Hagonoy Municipal Fire Station, posibleng nagmula ang sunog sa air-conditioner nito na nai-wang naka-plug.
Ayon naman sa isang bumbero na tumangging ipabanggit ang pangalan, posibleng isa sa sanhi ng sunog ay ang panandaliang brown out na naranasan sa bayang ito noong Lunes ng gabi.
“Baka noong nagka-kuryente ay nag-overload dahil naka-plug pa yung air-con,” aniya.
Nagpasalamat naman sa malakas na buhos ng ulang hatid ng bagyong Juan ang ilang residenteng Villa Clara Subdivision tulad ni Lydia Salazar.
“Mabuti na lang malakas yung ulan, talagang buhos yung ulan kanina kaya hindi nadamay yung ibang bahay sa tabi,” ani Salazar.
Ang nasabing insidente ay ikalawa na sa bayang ito matapos ang mahigit dalawang buwan.
Matatandaan na noong Agosto 18 ay nasunog ang palengke ng Hagonoy na hanggang ngayon ay hindi pa naitatayo ang kapalit.