BAGAC, Bataan: Maagang sumiklab ang sunog nitong umaga ng Huwebes, June 29, 2023, na nagdulot ng malaking pinsala sa isang bahay sa Barangay Tabing-Ilog dito.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa isang bahay sa Lerma Street bandang alas-6:30 ng umaga at nadeklarang fireout alas-7:45 ng nasabi ring umaga.
![](https://punto.com.ph/wp-content/uploads/2023/06/sunog-sa-Bagac-1024x768.jpg)
Kasalukuyan pang inaalam ang dahilan ng sunog at kung magkano ang iniwan nitong pinsala.
Wala namang nasaktan.
![](https://punto.com.ph/wp-content/uploads/2023/06/patuloy-pag-apula-sa-sunog-1024x768.jpg)
Sinabi ni Michelle Mendoza Pillagara, secretary ni Bagac Mayor Ramil del Rosario, nagtulong-tulong sa pag-apula ng apoy ang mga kasapi ng BFP, municipal at barangay disaster risk reduction management offices, Bagac police station, Metro Bataan Development Authority at mga volunteers.