Sundalo, nagpatiwakal

    391
    0
    SHARE

    SAN MARCELINO, ZAMBALES – Isang tama ng bala ang kumitil sa buhay ng isang sundalo nang magbaril ito sa sarili noong kamakalawa sa loob ng kanilang headquarters sa Barangay Nagbunga sa bayang ito.

    Kinilala ng pulisya ang biktimang si PFC Ricky Amayo, 24 anyos, binata, nakatalaga sa 24thInfantry Battalion ng Philippine Army at residente ng Barangay Sto. Tomas, Palauig, Zambales.

    Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa bunganga mula sa M-16 armalite rifle na kaagad nitong ikinamatay.

    Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabi ni Commanding Officer, 1Lt. Alfie Alonzo, na ang biktima ay isa sa mga nasa talaan ng AWOL na sundalo.

    Inaalam pa ng mga imbestigador ang tunay na motibo ng pagpapakamatay ng biktima.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here