Home Headlines Sundalo katuwang sa pamamahagi ng bigas sa Ecija

Sundalo katuwang sa pamamahagi ng bigas sa Ecija

1583
0
SHARE

Inilalagay ng mga sundalo sa mga upuan na iginayak ng mga residente ang mga sako ng bigas mula sa pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija. (Ibinahaging larawan)



FORT RAMON MAGSAYSAY, Pala
yan City – Ang pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija sa pamamagitan ng provincial social welfare and development office at 7th Infantry Division, Philippine Army ay magkatuwang na namahagi ng bigas sa Barangay Tikiw, San Antonio nitong Huwebes.

Ang mga sundalo mula sa 703rd Infantry (Agila) Brigade, 84th Infantry (Victorious) Battalion, Army Artillery Regiment (AAR) at San Antonio police station ay nakapag-distribute ng kabuuang 838 sako ng bigas sa naturamg barangay.

Bahagi pa rin ito ng tuloy-tuloy na pamamahagi ng ng bigas ng Kaitolyo sa pangunguna ni Gov. Aurelio Umali sa mga pamilya sa lalawigan bilang suporta sa gitna ng umiiral na Luzon-wide enhanced community quarantine.

Ayon kay, Col. Andrew D. Costelo, commander ng 703rd IB, ang lahat ng mga sundalo nila ay nakalaang tumulong sa lahat ng aktibidad ng pamahalaang localng Nueva Ecija sa pagtulong sa taumbayan.

 Binigyang-diin naman ni Brig. Gen. Alfredo V. Rosario,Jr., commander ng 7ID, ang walang humpay na suporta ng kanilang mga yunit sa pamahalaang local. 

“Success in every war is a collective effort, all must take part to win swiftly against all kinds of oppressor. As the local government fights against Covid-19, the 7ID will relentlessly provide support and will fight together with our LGUs against this unseen enemy,” sabi pa ni Rosario.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here