“TUMATAGOS NA na ang impluwensya nito (jueteng) sa pulitika, sa simbahan, maging sa gobyerno.”
Sargo ni Gob. Eddie T. Panlilio sa mga institusyon ng lipunan na sa kanya’y sinaniban na ng kabulukang moral. Kung tutuusin ay walang ano mang bago sa sinabi ni Panlilio. Ang nakakapanibago dito ay kung bakit ngayong naging gubernador lamang niya nasabi ito. Sa kanyang katauhan bilang pari sa mahigit na 25 taon, wala ba siyang kamuwang-muwang sa mga kaganapang ito?
Noong hindi pa palasak ang small town lottery dito sa Pampanga, may isang sanaysay na tayong nalathala sa Sun-Star Pampanga (Mayo 20, 2005) tungkol sa mga pinagsasabi ngayon ni Panlilio. Ito ang sumusunod.
ANG SINO mang walang bahid ni katiting na dungis ng jueteng ang maunang maghagis ng tambiolo, pitsa’t papelitos.
Sino ang maglalakas loob?
Bakit ba natin ikakaila o ikakapag-ngitngit ang bansag ni Senador Nene Pimentel na “Vatican of jueteng” ang Pampanga?
Nagsusumigaw ang katotohanan na sa Pampanga, ang jueteng ay higit pa sa bisyo o sugal. Ito ay relihiyon. Kumpletos rekados sa mga panginoon, patron, pastor at mananalampalataya.
Sa tinatayang milyun-milyong pisong pang-araw-araw na kubransa sa jueteng sa lalawigan, daang libong tao ang tiyak na sumasampalataya dito – sa tayang sampu-sampu o bente-bente bawat bola.
Sakristan ang papel ng mga kobrador – taga-kuha ng taya. Ang kaparian ng jueteng ay binubuo ng mga kabo na siyang tumatanggap sa lahat ng taya, na kanila namang ipinapasa sa mga SM o station manager na tumatayong mga obispo na siya namang nag-aalay sa kinita – labas na ang mga patama – sa paanan ng pinagpipitagang panginoon.
Ang mga simbahan, sambahan, mosque at prayer centers ay naglalaan ng isa o dalawang araw sa loob ng sanlinggo sa Diyos. Dalawa o tatlong beses naman sa isang araw and laan sa jueteng. Kung paniniwalaan ang kuwentong kubrador, mas marami ang mga nakalilimot sa pagsimba kaysa mga nagmimintis sa pagtaya.
Ang anumang relihiyon ay may sinasantong mga martir. Ito yaong – sa pananampalatayang Kristiyano – sinambit ni Hesukristo na “Kayo ay pagmamalupitan, ipipiit o papaslangin dahil sa inyong pananalig, dahil sa aking pangalan.”
Ang jueteng ay may martir din. Sa ngalan ng jueteng, isang Alyas JR ang pinatay sa mismong pagamutan sa kanya’y pinagdalhan, isang Alyas Ngongo ang nagmuntikang tumimbuwang, isang dosenang kubrador ang ngayo’y nakapiit sa Angeles City Jail at libu-libong mag-anak ang nagugutom.
Buod ng anumang pananampalataya ang saligang moral. Ito ang pilit na inihahagkis sa jueteng: Ang jueteng ay hindi lamang illegal. Ang jueteng ay immoral.
Muli, ang ating hamon: Ang sinumang walang bahid ni katiting na dungis ng jueteng ang siyang unang maghagis ng salida bola.
Sino’ng pulitiko ang maglalakas loob?
Sa panahon ng kampanya, higit ang haba ng pila ng mga kandidato sa bahay-tambiolo kaysa katedral mismo; higit ang lakas ng dalangin kay Alyas Ngongo kaysa kay Hesukristo. Basbas ng panginoon ang dinadasal – pondo at ang makinarya ng mga kabo’t kubrador na hanggang sa mga purok ay may galamay. Basbas na milagroso. Sa halalan, katiyakan ng panalo.
Sa panahon ng panunungkulan, kurakot sa kaban ng bayan ay pantahanan. Paano naman ang isa o dalawa pang madam, ang pangatlong junior, ang panlimang bunsoy? Dili kaya’t ang mga nakaambang palad sa munisipyo o sa kapitolyo sa araw-araw? Ang pag-ninong sa mga binyagan at kasalan? Ang banda ng musiko, stage show, kahon ng Fundador at litson sa pistahan? Ang sound system sa sayawan? Ang mga bola at uniporme sa liga ng kabataan? Ang abuloy sa mga namatayan? Ang pantubos sa ospital sa maralitang naratay?
Iisa dito ang kasagutan, iisa dito ang kalutasan: ang panginoong 1-37 ang bilang.
Sino’ng mamamahayag ang babanat?
Ang gawad biyaya sa media, madalas ay hindi tuwirang nagmumula sa panginoon. Ito ay idinadaan sa mga mahal sa buhay. Sa oras ng pangangailangan, sa panahon ng kahinaan ng isang mediaman. Kulang ang pang-matrikula ng anak? Isinugod sa ospital si inay? Kailangan ang operasyon ni itay? Kulang ang baon sa lakbay-aral sa Amerika o lakbay-liwaliw sa Boracay? Kailangan ng pang-hotel sa kumbensiyon sa Maynila ng mga pahayagang lokal? Kapos ang pagpapalimbag ng dyaryo o libro? Wala nang kape, gatas o asukal sa radio? Paano liligaya ang Pasko? Ibulong mo sa hangin, mula sa panginoon ang pagpapala ay kakamtin.
Sino’ng malinis na pulis ang darakip?
Teka, teka, “malinis” at “pulis” puwede bang magkatugma ang dalawang kataga?
Ang simbahan? Ah, ang simbahan!
Sa nayon kong irog, retablo sa altar presyong abot-milyon kay Alyas Ngongo donasyon. Ilan pang kapilya’t mga simbahan sa ating lalawigan nabuo’t natayo, pinagmimisahan, panginoon ng jueteng ang pinasasalamatan. Pagawa’t donasyon pa rin nitong panginoon ang maraming altar, upuan, luhuran, pati kumpisalan. Sa pagputok ng bulkan, sa pagragasa ng lahar, milyung piso’t laksa-laksang de lata’t bigas ang dumaloy mula sa mga panginoon, umagos tungo sa SACOP.
Ano ang masama dito?
Di baga si Jaime Cardinal Sin mismo minsa’y nagwika: “Tatanggapin ko ang pera mula sa dimonyo upang gamitin sa mga gawaing makadiyos.”
Ano ang immoral sa jueteng kung gayon?
Ang tumulong sa simbahan? Ang pagkakawanggawa sa mga nangangailangan? Ang pagbigay ng hanapbuhay sa maraming naghihirap na kababayan? Ang paglingap sa mga pinagkaitan ng kapalaran?
Pagpasensiyahan na lamang po ninyo at may kakitiran ang aking perspektibong moral.
Patron ng simbahan. Patron ng kawanggawa. Ito ang imahen ng panginoon ng jueteng sa Pampanga.
Dahil sa ang panginoon ay sumasaatin, ang kaluwalhatian mula sa kaitaasan – Gloria in excelsis – ay sumasaatin din. Kaakibat nito: Walang jueteng sa Pampanga? Ah, walang gloria sa Pampanga.
Siya nawa.

.