Home Headlines Subpoena sa akusado sa Percy Lapid case inipit sa pintuan ng bahay

Subpoena sa akusado sa Percy Lapid case inipit sa pintuan ng bahay

683
0
SHARE
Ang subpoena na inipit ng DOJ sa pintuan ng bahay ng akusadong si Ricardo Zulueta. Kuha ni Rommel Ramos

PANDI, Bulacan — Inihain ng mga kagawad ng Department of Justice nitong Martes ng umaga ang subpoena laban kay Ricardo Zulueta na isa sa inaakusahan na nasa likod ng pagpaslang sa komentaristang si Percy Lapid.

Dahil walang tao at nakakandado ang bahay ni Zulueta sa Pandi Heights, Barangay Cacarong Matanda, inipit na lang ng mga taga-DOJ ang dokumento sa pintuan ng bahay ng akusado.

Kinumpirma naman ni Barangay Cacarong Matanda kagawad Ronald Esteban na doon nga nakatira sa kanilang lugar si Zulueta ngunit matagal na daw itong hindi umuuwi doon.

Wala naman daw na koordinasyon sa pamahalaang barangay ang mga taga-DOJ ng ihain ang subpoena kayat wala silang maibibigay na detalye sa naging hakbang ng DOJ sa lugar.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here