Home Headlines Statement of Sen. Bong Go on oil price increase

Statement of Sen. Bong Go on oil price increase

921
0
SHARE

Ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis sa world market ay dumadagdag sa pasanin ng mga Pilipinong patuloy na tinatamaan ng kasalukuyang pandemya.

Umaapela ako sa mga ahensya ng gobyerno, lalo na sa DOE, DA at DOTr, na pag-aralan kaagad ang posibleng pagbigay ng fuel discounts or subsidy para sa mga strategic sectors natin, katulad ng public transport, food deliveries at iba pa. Sa pagbibigay ng discount o subsidy, mas mapapagaan natin ang bigat na dulot ng pagtaas ng presyo ng langis.

Maliban sa mga karaniwang commuters, makakatulong din ito sa pag-kontrol sa posibleng pagtaas sa presyo ng mga pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan na nakasalalay sa mga byahero mula sa mga producers papunta sa mga palengke at consumers.

Pag-aralan din natin ang posibleng pag-amyenda sa kasalukuyang batas upang mapahintulutan ang temporary suspension ng fuel excise tax sa panahong masyadong mataas ang presyo ng langis sa world market.

Mandato nating nasa gobyerno na pagaanin ang bigat na dinadala ng ating mga kababayan, lalo na ngayong meron pa tayong krisis na pilit malampasan. Huwag na nating dagdagan ang pahirap sa kanila.

Samantala, kailangang ipagpatuloy natin ang mga proyektong lalong nagpapabuti sa ating mass transportation system, katulad ng mga dagdag na railways, upang maging mas efficient, mas mabilis at maginhawa ang pagbibyahe ng ating mga kababayan.

Proteksyunan ang buhay at kabuhayan ng mga Pilipino. Labanan ang hirap at gutom. Ituloy ang mga pagbabagong patungo sa mas maginhawang buhay. No Filipino should be left behind in our quest for total recovery from this pandemic.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here