Inaasahang magiging sentro ng atensyon sa susunod na halalan ang lalawigan ng Pampanga kung sakaling magkakatotoo ang pahayag ng mga kaalyado sa pulitika ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na kakandidato siya bilang kongresista.
Ngunit hindi naman daw papayag si Prof. Randy David na tumakbong unopposed si GMA kaya’t naghahanda na siya sa labanang “David at Gloriath.”
Kung matutuloy ang sagupaan ng kilalang personalidad, matatawag din ang kanilang sultada bilang “Star Wars.
Bakit hindi, parehong silang “star” o kilalang personalidad. Si GMA ay sa pulitika, at si David ay bilang propesor at bahagi ng media.
Katulad ng labanang “David at Goliath” sa Bibliya, ang labanang “David at Gloriath” sa Pampanga at sinasabing magiging katulad ng kalsikong labanan between ‘good and evil.”
Kayo na ang humatol kung sino ang “good” at “evil”, basta kaming mga taga-Bulacan ay patuloy na mag-aabang sa mga development sa “STAR WARS” Pampanga Episode.”
Ayon sa mga kaalyado ni GMA tiyak ang panalo ng Pangulo bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Pampanga.
Sabi naman ni David, hindi niya iniisip na hindi siya papalarin. “Ngayon pa lang panalo na ko,” aniya.
Inamin ni David na parang pader ang kanyang babanggain. Ngunit hindi siya nangangamba.
Dahil sa sa layunin niya ay mabuksan ang isipan ng botanteng Pilipino at magsilbing pag-asa na makapagbibigay ng tapang ng loob sa iba.
Umaasa rin sa David na maging patas ang laban. Halimbawa, dapat daw ay mag-resign muna sa tungkulin si GMA bago kumandidato bilang kongresista.
“Kung tutuloy siya sa kandidatura, lalabanan ko siya. Pero magre-resign muna ako bilang propesor sa UP. Kaya dapat din siyang mag-resign muna,” ani David.
Hindi raw tatantanan ni David si GMA kung maglalaban sila sa pagka-kongresista ng ikalawang distrito ng Pampanga.
“Handa ko siyang harapin sa kahit saan debate, at dapat siyang dumalo doon dahil bahagi ng prosesong demokratiko ang candidates forum,” ani David.
Nagbanta rin si David na dapat isara ang lahat ng pintong binubuksan ng mga kaalayado ni GMA upang manatili ito sa kapangyarihan.
Ani David, dapat “labanan ang balakin ng pulitiko na manahin ng kanilang salinglahi ang namamayaning kultura ng pulitika hindi lang sa Pampanga kungdi sa buong bansa.”
Ang tinutukoy niyang kultura ng pulitika ay ang “patronage politics” kung saan ang taumbayan umaasa sa mga pulitiko na mabigyan sila ng pabor kapalit ng boto.
“It’s a conspiracy to perpetuate themselves in power, we must stop their dark plans,” ani David.
Hmmmnn, parang linya na pelikulang Star Wars iyan.
May the force be with you!
Kung gagawing movie spoof and labanang David at Gloriath sa Pampanga at ihahanay sa pelikulang Star Wars, sino sa palagay ninyo ang mga dapat gumanap?
Puwede kaya si David bilang Jedi Master Qui-gon Jin? O kaya ay Obi-wan Kenobi? Si GMA kaya ay puwedeng Queen Amidala? Pero sino ang gaganap na Anakin Skywalker niya? Sino naman kaya ang gaganap sa papel na Jedi Master Yoda? Abangan natin ang mga susunod na episode.