Bongga at maningning ang nalalapit na 4th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club, Inc. na gaganapin sa Meralco Theater, Ortigas Ave., Pasig City sa September 9, 6 p.m.
Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng buong club ang pagtatanghal nang sa ganu’n ay lalung maengganyo ang mga nasa larangan ng musika sa paggawa ng mga awiting OPM (Original Pilipino Music) na kanilang ilalahok sa music awards sa mga susunod na taon.
Para sa kaalaman ng buong music industry, lalong pinalaki ang Star Awards for Music dahil nagdagdag ng kategorya ang PMPC para sa male and female Concert Performer of the Year, Duo/Group Concert Performer of the year.
Ang mga host ng music awards ay sina Richard Gomez, Pops Fernandez, Xian Lim at Maja Salvador.
Sa opening number pa lang ay tiyak nang titilian ang mga mahuhusay na singer na sina Jed Madela, Christian Bautista, Yael ng Sponge Cola, Sam Milby, Juris, Erik Santos, Ryan Cayabyab Singers at Bamboo (pawang mga Song of the Year nominees) ang mapanonood kung saan bukod sa nominadong kanta nila ay kakantahin rin nila ang theme song ng Star Awards for Music na kinumpose ni Boy Christopher.
Ang pinasikat na kanta nina Vehnee Saturno, Lito Camo at Boy Christopher ay kakantahin nina Marcelito Pomoy, Jovit Baldovino at Mocha Girls na kung saan ay gagawaran sila bilang natatanging alagad ng musika.
May special number rin sina Jose Manalo at Wally Bayola.
May 12 Natatanging Alagad ng Musika na pararangalan ang PMPC bukod sa tatlong nabanggit na composers.
Ito ay sina Gary Valenciano, Kuh Ledesma, Lea Salonga, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Pops Fernandez, Regine Velasquez, Sharon Cuneta, at Zsa Zsa Padilla.
Mga anak ng Icon singers na sina Robin Nievera, Paolo Valenciano, Isabella at Karylle ang haharana para sa mga Alagad ng Musika.
Aawitan naman nina Zia Quizon, Yeng Constantino, Angeline Quinto at Christian Bautista ang Lifetime Achievement Awardee na si Jose Mari Chan.
Mapanonood ang 4th Star Awards for Music sa Sept. 16 sa Sunday’s Best ABS-CBN under the Airtime Marketing ni Ms. Tess Celestino-Howard. Ito’y sa direksyon ni Al Quinn.