MALOLOS CITY—Batay sa inihandang bird flu preparedness plan ang stage five pandemic response na idineklara ng World Health Organization, ayon sa mataas ng opisyal ng Department of Agriculture sa Gitnang Luzon.
“Iisa ang protocol na sinusunod sa pandemic,” ani Dr. Romeo Manalili, ang pangrehiyong beterinaryo.
Si Manalili ang opisyal na nagpahayag noong Marso na ang aral na kanilang natutunan sa pagsugpo ng ebola reston virus sa Pandi ay gagamitin sa posibleng insidente ng bird flu.
Sa nasabing operasyon laban sa ebola reston virus, sinabi rin ni Manalili na ang mga patakarang kanilang ginamit ay batay sa inihandang preparedness plan laban sa bird flu noong 2006.
Ayon kay Manalili, simple lamang ang dahilan kung bakit ginamit ang bird flu preparedness plan laban sa ebola reston.
“Parehong viral iyan kaya pareho ng protocol,” aniya.
Ito rin ang prinsipyong sinusunod ngayon ng mga dalubhasa sa pagtugon sa Influenza A H1N1 virus na unang naitala ang pagkalat sa Lungsod ng Mexico sa bansang Mexico.
Batay sa pahayag ng WHO, nasa stage five ngayon ang kanilang alert level.
Ito ay nangangahulugan na ang virus ay nasa kalagayang pandemic o nalilipat sa tao mula sa kapwa tao.
Subalit ang virus ay localized o nananatili pa rin sa iisang lugar.
Batay sa bird flu preparedness plan, ang stage one alert ay nangangahulugan na wala pang bagong influenza virus na nadidiskubre at maliit pa ang posibilidad na mahawa ang tao mula sa hayop na pinagmumulan nito.
Ang stage two ay mayroong bagong influenza virus na na-detect sa hayo at posibleng makahawa sa tao; samantalang ang stage three ay mayroon ng tao na nahawa mula sa hayop ngunit wala pang tao na nahawa ng virus mula sa kapwa tao.
Ang stage four ay mayroon ng insidente na nahawa ang tao ng virus mula sa kapwa tao, ngunit kakaunti pa rin ang bilang.
Katulad nito, ang stage five ay maroon ng tao na nahawa mula sa kapwa tao, at higit na mas marami ang kanilang bilang ngunit nananatili pa ring localize ang impeksyon.
Ang stage six o huling bahagdan naman ay mayroong patuloy na pagkahawa ng tao mula sa kapwa tao at lumalawak ang nasasakupang lugar kung saan ay may nahawang tao.