LUNGSOD NG MALOLOS — Dalawang empleyado ng Social Security System Malolos branch ang nagpositibo sa Covid-19 rapid test.
Kasunod nito ay isinailalim sa lockdown simula kahapon at ngayong araw ang naturang sangay para sa disinfection.
Ayon kay Mayor Bebong Gatchalian, pitong empleyado dito ang sumalang sa random rapid test at dalawa dito nga ang nagpositibo na residente mula San Rafael Bulacan at isang taga–Pampanga.
Wala naman daw sintomas na nararamdaman ang mga ito at kasalukuyan nang naka-quarantine.
Kasunod nito ay isinara muna ang naturang tanggapan para sa disinfection habang ang iba pang empleyado ay isasalang din sa swab test.
Magbabalik naman daw agad sa operasyon ang tanggapan kapag natapos na ang testing sa iba pang mga empleyado at disinfection sa loob at labas ng naturang tanggapan.
At sa pagbabalik operasyon ay mahigpit aniya na ipatutupad dito ang mga safety protocols lalo na ang social distancing.