Home Headlines SSS-Malolos lockdown pa rin, 8 empleyado positibo sa Covid

SSS-Malolos lockdown pa rin, 8 empleyado positibo sa Covid

1119
0
SHARE

Nasa lockdown pa rin SSSMalolos. Kuha ni Rommel Ramos



LUNGSOD NG MALOLOS
— Mula pa noong Hunyo 25, naka-lockdown pa rin hanggang sa ngayon ang tanggapan ng SSS Malolos branch dahil walong empleyado ng sangay ang nagpositibo sa Covid-19.

Ayon kay assistant city health officer Dr. Eric Villano, 15 empleyado dito ang na swab test nila at walo nga dito ang nagpositibo.

Ang dalawa sa mga nagpositibo ay mga nasa quarantine facilities na habang ang anim ay nasa kani-kanilang mga bahay at naka-quarantine.

Ang isa sa dalawang nasa quarantine facility ay nakikitaan na ng mga sintomas ng sakit habang ang pito ay asymptomatic.

Nakapagcontact tracing na sila sa mga kaanak ng mga ito at patuloy ang kanilang monitoring kung magkakaroon pa ng related symptoms ng Covid-19.

May isa na sa mga may direct contact sa mga nagpositibo ang positibo na rin sa virus.

Ani Villano, hindi pa niya alam kung kailan magbubukas ang tanggapan ng SSS at nagdi-disinfect pa rin sila sa loob at labas ng naturang tanggapan.

Kaugnay nito, nakalockdown din ang bahay ng isa sa mga empleyado ng SSS sa Barangay Dakila dito.

Ayon kay Librado De Robles, kapitan ng barangay, isa sa mga empleyado ng SSS ang ni-lockdown nila ang bahay mula nitong Hunyo 27. Nasa 14 araw isasailalim sa home quarantine ang pamilya nito bagamat negatibo naman sila Covid test.

Bantay sarado naman ang paligid ng bahay at patuloy na nagsasagawa ng disinfection dito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here