Home Headlines Spanish Government, suportado ang modernisasyon ng AFP

Spanish Government, suportado ang modernisasyon ng AFP

445
0
SHARE

CLARK AIR BASE, Pampanga (PIA) — Nakasuporta ang Spanish Government sa pagsusulong ng modernisasyon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Personal na dumalo si Spanish Ambassador Miguel Utray Delgado sa Arrival, Turn-over, and Blessing ng bagong C-295 medium lift aircraft ng Philippine Air Force na idinaos sa Clark Air Base, Pampanga.

Kanyang ipinahayag ang hangaring masaksihan din ang mga darating pang mga makabagong kagamitan sa hinaharap na sa kanyang halimbawa ay tulad ng ibang uri ng aircraft o mga kagamitan na magagamit sa maritime patrol o submarine operations.

Personal na dumalo si Spanish Ambassador to the Philippines Miguel Utray Delgado sa Arrival, Turn-over, and Blessing ng bagong C-295 medium lift aircraft ng Philippine Air Force na idinaos sa Clark Air Base, Pampanga. (Camille C. NagaƱo/PIA 3)

Gayundin aniya ay makita rin kung paano ingatan at pakinabangan ng bansa ang bagong dating na C-295 aircraft.

Binanggit din ni Delgado ang kahalagahan ng technology transfer sa Pilipinas hindi lamang sa aeronautical sector kundi sa space sector na makatutulong sa katatatag lamang na Philippine Space Agency.

Kanya ding ibinalita ang nalalapit na pagdaraos ng International Defence and Security Exhibition na gaganapin sa Madrid, Spain ngayong darating na Mayo.

Imbitado aniya rito ang mga kinatawan ng Pilipinas upang makita ang mga kapabilidad ng Spanish Defense and Security Industry na maaaring iangkop sa bansa. (CLJD/CCN-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here