Home Headlines Sotto: Rice cartel, smuggling kusang malulusaw

Sotto: Rice cartel, smuggling kusang malulusaw

763
0
SHARE

Sina Senate President Tito Sotto at Sen. Ping Lacson sa pakikipag-ugnayan sa mga magsasaka. Kuha ni Armand M. Galang


 

SANTA ROSA, Nueva Ecija — Natural na malulusaw ang mga kartel na lumulumpo sa sektor ng agrikultura kapag nagawa ng gobyerno na bilhin ang kalahati ng kabuuan ng lokal na produksyon, ayon kay Senate President at vice presidential candidate Vicente Sotto III nitong Linggo.

Ayon kay Sotto, sapat ang bilyun-bilyong piso na hindi nagagamit at napupunta sa kurapsyon taun-taon upang gastusin sa pamimili ng ani ng mga magsasaka.

Pinangunahhan ni Rev. Fr. Orlan Valino ang pag-pray over sa Lacson-Sotto tandem ng mga magsasaka. Kuha ni Armand Galang

Si Sotto, kasama ang kanyang presidential tandem na si Sen. Panfilo Lacson at dating agriculture secretary Manny PiƱol, ay nagsagawa mg town hall-type na pakikipagpulong sa may 1,200 magsasaka sa bayang ito.

Sinamahan sila ni Mayor Josefino Angeles at iba pang lokal na opisyal.

“Oras na ang gobyerno, binili ang kalahati ng produksiyon ng mga magsasaka, balewala na yang mga kartel na ‘yan,” tugon ni Sotto nang tanumgin kung paano nila ipatutupad ang pangakong pagdurog sa mga kartel at smugglers.

Gayunman, ay ipinangako nina Sotto at Lacson ang aktibong pagtugis sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno na kakutsaba ng mga kartel sakaling sila ang manalo sa 2022 national elections.

Ang pakikipagpulong nina Sotto at Lacson sa mga magsasaka ay nataon sa muling pagbagsak ng presyo ng sibuyas, isa sa mga pangunahing produkto ng Nueva Ecija, ngayong nagsisimula na ang anihan.

Bukod sa pamimili ng agricultural products, plano rin nina Sotto at Lacson na i-review upang maamyendahan o malusaw ang kontrobersyal na RA 11203 o Rice Tariffication Law.

Ani Lacson, napagtibay ang batas dahil maganda ang naging paliwanag ng mga nagsulong niyo ngunit “masama ang implementasyon.”

Ipinunto niya na ilamg makinarya na ipinamahagi mula sa P10-bilyon na Rice Competetiveness Enhancement Fund ay nasira kaagad. “May anumalya kung ganun,” sabi ni Lacson.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang mga magsasaka kina Sotto lalo’t nagmula sa Lungsod ng Cabanatuan ang kanyang ina. Ikinuwento pa niya ang kanyang paglalaro sa isang lansangan ng lungsod noong kanyang kabataan.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here