Home Opinion ‘Some ex-village officials may face criminal charges’

‘Some ex-village officials may face criminal charges’

452
0
SHARE

SA IDINAOS na ‘Barangay Officials
Summit’ last August 9, kung saan din naman
kwenta ang SOPA ni ‘Nanay’ isinabay
sa naturang okasyon na dinaluhan
ni Usec Martin Diño ng Kagawaran
nitong ating Lokal na Pamahalaan;

Na ginanap sa ‘ting Guiao Convention Center,
at si Usec itong bale Guest Speaker,
na nagbigay ulat sa harap ng ‘audience
of punong barangays, kagawad and others,
he warns ‘ex-barangay chiefs and all concern,
that COA shall visits all previous officers.

At aktual umanong titingnan ang tala
ng ‘withdrawals’ at ang ‘expenditures’ yata
ng mga ‘village chiefs’ kung ito ay akma
sa ‘offi cial receipt’ at walang himala
ng ‘ghost deliveries’ at ng pandaraya
na napakadali aniyang mahalata.

Tulad na lang nitong may ilang barangay
na ultimong walis pinagkakitaan
ng ibang ‘village chiefs,’ lalo sa NCR,
pagkat imbes bawat isa ay treynta lang,
ito’y inilista na tig-tatlong daang
piso ni Kapitan at ng Ingat-Yaman.

At saka mayrun din daw na Kongresista
ang sa proyekto ay nagpagawa aniya,
aba’y nilitrato, saka ibinulsa
ni Kap ang katumbas ng perang nagasta
ni Cong sa proyektong ipinagawa niya,
na inako ni Kap ang ‘project’ kaniya.

At iba’t-iba pang mga pandurugas,
katiwalian at gawang hindi patas
ang ibinulgar ni Usec hinggil kay Kap,
mga Kagawad at ibang pang opisyals,
na tuwing araw lang ng sueldo masipag
magpunta sa ‘village hall’ ang mga tamad!

Pero ngayon di na uubra ang dating
nakasanayan ng mga magagaling
na mga ‘village chiefs,’ kagawad, kalihim
at iba pang barangay offi cials natin,
na kampante lang sa kanilang tungkulin,
gayong may opisyal na mga gampanin.

Humigit-kumulang sa naging pahayag
ni Usec Diño ay napakaliwanag
na may maiipit na mga opisyals
kapagka ang COA, seryosong nag-’conduct’
ng ‘actual visit’ sa mga komunidad
para i-’audit’ n’yan itong lahat-lahat.

At kung paano n’yan maisusumite
ang tunay na ‘expenditures’ nila pati
‘against their IRA’ ay problemang malaki
sa halos mahigit pa r’yan sa ‘seventy
percent’ na ang iba ay walang maari
na maipakita sa mga ‘authority’.

At kung ang iba ay may maipakita man
ay baka dinoktor na nina Kapitan
at ng masunuring mga Ingat-Yaman;
na di nalalayo sa mga tinuran
ni Usec Diño na ultimong walis lang
nagawang ang presyo’y kanilang patungan?

Sa puntong ito ay maghanda-handa na
ang dating ‘incumbent’ sa plano ng COA,
na ‘actual auditing’ at/o pagbisita
para masuri’t personal na makita
ang kinahantungan ng kanilang IRA,
kung naayon sa legal na paggasta!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here