Solenn Heusaff traffic stopper ang kaseksihan sa EDSAc

    611
    0
    SHARE

    Grabe ang sex appeal ni Solenn Heussaff dahil kahit naka-gown sa launching niya as the latest Bench Body endorser, umalagwa pa rin ang kaseksihan.

    Billed La Nuit de Solenn o Solenn’s Night ang launching na ginawa sa Bench Tower sa BGC at kung saan  kumanta si Solenn ng four songs bago siya ipakilala.

    Nagseseksihang billboard din ni Solenn ang itinaas ng Bench sa major places at sa mga bus na lalong magpapatrapik at magpapa-high blood sa motorists.

    Hindi nito alam kung  bakit natagalan siyang mapasama sa Bench family but now that she’s in, she’s very happy dahil kasama niya ang mga kaibigang Bench endorsers din.

    “I’m so thankful to be part of the Bench family. I have always loved Bench and the variety they have and I love that Bench believes in comfort and style at the same time,” sabi ni Solenn na endorser ng Bench Body’s latest collection of underwear.

    Isinabay na ring ibalita ni Solenn na lalabas ang album niya sa August 26 at kasama sa cut ang Diva.

    Nega ang dating sa kanya ng diva at thankful siyang hindi siya diva, pero naka-encounter na ng dalawang diva na hindi pinangalanan.

    Tuloy din ang taping niya ng Akin Pa Rin Ang Bukas kung saan lalabas siyang GF ni Cesar Montano which she finds intimidating. Makakaribal niya sa aktor si Lovi Poe.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here