Solenn Heausaff Universal Recording artist na

    204
    0
    SHARE
    Kasama na si Solenn Heussaff sa bonggang roster of artists ng Universal Records na kinabibilangan nina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Gloc-9, Christian Bautista, Parokya ni Edgar, Sponge Cola, Sam Concepcion, Noel Cabangon, Nikki Gil, Aiza Seguerra, Kamikazee at iba pa.

    Kahapon ay pumirma ng kontrata si Solenn sa nasabing recording label na dinaluhan ng aktres at ng executives ng Universal na sina Kathleen Dy-Go (Managing Director), Peter Chan (Operations Director) at ang bagong manager ng aktres na si Leo Dominguez.

    Ilalabas this year ang third album ni Solenn na magpapakita naman daw ng kanyang ibang side.

    Matatandaang ang unang album niya ay nakakuha ng Platinum Record Award.

    Excited si Solenn dahil ibang journey naman daw ito for her at katatapos nga lang daw nilang mag-usap ng Universal big bosses kung ano ang gagawin sa kanyang bagong album.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here