Home Headlines Sobrang bigat ng trapiko parusa sa publiko: 1-3 oras sa 10-km

Sobrang bigat ng trapiko parusa sa publiko: 1-3 oras sa 10-km

887
0
SHARE

Usad-suso ang mga sasakyan sa bahagi ng Nueva Ecija-Aurora Road, Cabanatuan City nitong Miyerkules. Kuha ni Armand Galang



CABANATUAN CITY – Ilang araw bago matapos ang umiiral na modified
enhanced community quarantine,muling dumanas ng sobrang pagsisikip ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa lungsod na ito nitong Miyerkules.

Sa social media dinaan ng publiko ang kanilang reklamo kung saan ay nagmistulang parusa raw ang pagdaan sa mga bahagi ng national highway Cagayan Valley Road (Maharlika Highway) at Nueva Ecija-Aurora Road.

Reklamo ng netizens, inaabot ng dalawa hanggang tatlong oras ang biyahe sa distansyang 10 kilometro. Naubos na nga anila ang window hours ng kanilang pamimili ng essential goods batay sa kanilang quarantine pass dahil sa trapiko.

“Sobrang hirap po ng dinanas namin. Sana maging maayos na,” sabi ng netizen na si Grace. 

Naniniwala si Grace na dapat nang buksan ang  mgadaan na isinara ng mga barangay alinsunod sa lockdown na ipinatupad kaugnay ng paglaban sa coronavirus disease.

“Super traffic nga, parang walang quarantine tayo ngayon backtonormal na ang dating,” sabi naman ni Margie.

Napuna ng ilan na walang traffic enforcers sa kahabaan ng national highways sa lungsod.

Ayon sa Cabanatuan City Information and Tourism Office, nasa poder ng Nueva Ecija Police Provincial Office ang pangangasiwa ng trapiko sa national highway simula nitong May 24.

“Gusto po namin magpasalamat sa NUEVA ECIJA PROVINCIAL POLICE OFFICE (NEPPO) at PROVINCIAL MOBILE FORCE COMPANY (PMFC) na simula pa nuong May 24, 2020 hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatupad ng trapiko sa LUNGSOD NG CABANATUAN. Inaasahan namin ang kooperasyon ng NEPPO sa bagong Traffic Scheme na ipapatupad ng LGU ng Cabanatuan para makita kung makakatulong ito sa pagpapaluwag ng daan,” sabi ng CITO sa mensahe nito.

Wala pang kumpirmasyon mula sa NEPPO hinggil sa di-umano’y pagsasalin sa kanila ng mandato sa trapiko.

Ngunit sa isang pahayag ay sinabi ni Col. Leon Victor Rosete, provincial police director, na ang mga traffic enforcer ang dapat mangasiwa rito.

Nitong nakaraang Sabado ay nagsagawa ng dry-run ang pamahalaang lungsod sa bagong traffic scheme kung saan ay sinubukan na gawing one-way ang isang bahagi ng Maharlika Highway.

Bunga nito ay humigpit ang trapiko at makapananghali ay ipinag-utos di-umano ni Rosete ang pagpapatigil ng naturang hakbang.

Sa panayam sa lokal na telebisyon ay binigyang diin ng opisyal na hindi maaaring gawin ng city government na one-way ang national highway.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here