Buong ninging na humarap sa press si Snooky sa isang presscon kailan lang.
As usual, maraming kuwento si Cookie pero hindi ka naman mababagot dahil punumpuno ng sinseridad yung mga kuwento niya.
Alam naman nating isa sa mga highlight ng istorya ng buhay ni Snooky ay kung paano siya nakabangon mula sa pagkakalugmok. “Totoo naman po ang ang hirap ako, halos umabot sa puntong zero na talaga. Hindi ko naman po ikinakailang nag-tricycle ako noong araw, pero bakit ko naman ikahihiya, yaun naman ang totoo. Hindi po ako nagmukmok dahil tanggap ko. Kung yun ba ang kapalaran ko, ano ang magagawa ko.
“Ayaw ko namang umiyak dahil lang dun, alam ko naman na may paraan ang Diyos at mga pagsubok niya yun. Tinaggap ko, pero nilabanan ko. “Nagsikap ako, sino naman kasi ang gustong nandoon na lang ako sa sitwasyong yun,” may sentimiyentong kuwento pa ni Cookie.
Ngayong nga namayagpag na siya. May career na siyang ipagmamalaki, kailan lang nanalo siyang Best Supporting Actress para sa pelikulang Paupahan., “I didn’t expect it. Ang sa akin, ngayong dumating ‘yun, I thank the Lord, glory to His name, ibinabalik ko sa kanya, bilang pasasalamat,” sabi pa niya.
Sa ngayon, sa laki ng negosyo ni Snooky, iba’t ibang negosyo na hindi na namin iisa-isahin pa, puwede na nitong iwan ang pag-aartista at ang negosyo ang bigyan niya ng concetration. “I love to act, bata pa ‘ko, ito na’ng gusto kong gawin. Ni minsan hindi ako nabagot bilang artista, and it is now time na mas lalo akong napamahal sa career ko. Gusto ko talagang umarte nang umarte kaya hindi ko iiwan ang showbiz,” dagdag na kuwento pa niya.
Lahat ng bagay, meron na si Snooky, kumbaga, okey lahat, ayos na ang buhay niya. Anong bagay pa ang hindi okey na gusto niyang masolusyunan at ilagay sa tama?
“Ang mommy ko, alam naman ninyo’ng health condition niya. Yun ang hindi okey, I love my mom, siya talaga’ng buhay ko bukod sa mga anak ko. Hangga’t maaari, ang gusto ko malakas siya, andiyan siya palagi para subaybayan ako,” ngayon ay halos maluhang sabi ni Cookie.
May kalubhaan ang sakit ng nanay niya. Nasa Makati Medical Center ito ngayon at kasalukuyang ginagamot sa kanyang emhycema.
“Actually, okey naman siya, God forbids, sana ‘wag muna siyang kunin sa amin, we still need mom. Ipinaospital ko siya dahil we wanted assurance at ayaw naming ma-insecure si Mommy na may sakit siya. Thanks God, malakas pa siya.”