If one has to believe ‘yung fanfare na pampralala kay Snooky ng mga friends niya, walang dudang iisipin mayaman na naman ang noon ay mabagal na aktres.
There was a time nga kasi na si Snooky na naghirap na umabot sa puntong kinailangang tulungan siya ng mga kapuwa artista upang malamapsan ang pinakamababang ebb ng kanyang buhay.
‘Di nga ba may time na pati pampagamot niya ay kailangang ipagpalimos niya kay Senator Lito Lapid na tumulong naman sa kanya. Pero kapalit nga nito ay na-link siya sa senador.
“Nahihiya nga ako kay Senator Lapid,” panimulang salaysay ni Snooky. “Tumulong lang siya sa isang isang nangangailangan, napasama pa siya. Kaya nga nakakahiya na baka madala na siya. Ako naman, hindi na ako makapunta sa Senado, hindi ko na madalaw ang mga kaibigan ko dahil umiiwas na ako. Ayoko namang nang dahil sa akin ay mapasama pa ang taong tumulong lang sa akin,” sabi pa ni Snooky.
Anyway, naka-Pajero nga raw ngayon ang aktres, na sa isang magarang townhouse at nakatira at higit sa lahat may mga business ek na siya. Patunay daw ng pagiging okey ulit na kanyang financial ek ay ‘yung nabayaran niya nang buo ‘yung hospital bills ng nanay niyang si Mila Ocampo na tatlong linggong naratay sa ospital.
“Thank God, totoo po ‘yan, kahit na malaki ang bill ng mommy ko, wala naming problema, nakaraos naman kami,” patuloy pa niya.
Si Snooky ang nagkuwento sa amin na nadulas daw sa banyo ang mommy Mila niya and from there, kung anu-ano ng complication ang nangyari. Ang pinakagrabe raw dito ay ‘yung kanyang emphysema na medyo malala na. “Awa naman ng Diyos, she’s okay now, my mom is in the pink of health,” sabi pa nito.
Nabuksan ‘yung pagkakaroon na naman niya ng bagong bf who according to Snooky ay natagpuan na niya si Mr. Right who supports her. “I would like to think that this is already the man who will journey with me all through my years here,” masayang kuwento pa ni Snooky.
Sa ngayon daw, even former husband Ricardo Cepeda has find the right girl for her. Bilang kapalit niya, isang Ms. Anne na dating modelo ang kasama sa buhay ngayon ni Richard and for this Snooky is happy for him.
“My children tell me na okay naman si Ms. Anne. Minsan daw nagba-bonding sila at talaga namang hindi niya itinuturing na iba ang mga anak ko. I am really glad Richard found the right woman for him. I am looking forward to the day na makilala ko siya nang personal. As for Richard, magkaibigan kami. I am glad sa ganito nauwi ‘yung aming relasyon. Parang destiny na namin ni Richard na magkahiwalay dahil merong ibang mga taong para sa amin.”
Sa ngayon, Snooky is busy raw with her business na jewlery designing. Isa pang pinagkakaabalahan niya ay ‘yung Snooky Serna Exclusives where she is coming out with her own perfume lines. Actually, may several lines na siya ng colognes at nasa stage na ng finalizing ang distribution business na ito.
“Please help me out, I need more support from my friends for this endeavor to succeed, I am counting on you,” pahuling salita pa ni Snooky Serna.