Ayon sa kanya, ikino-consider daw niya na graduate na siya sa mga pa-martir at mga mabait na roles kaya naman, gusto niyang itsina-challenge lagi ang sarili niya.
May conscious effort ba on your part na bawat gagawin mo ngayon ay kasingtindi ng iyong role sa “My Faithful Husband” kung saan lutang na lutang ang offbeat character mo?
“Dumating na kasi ako sa stage na gusto kong mag-explore sa mga characters na ginagampanan ko. Iyong tipong more experimental. Iyong mga roles na hindi dating ginagawa ni Snooky o ma-imagine na ginagawa ng isang Snooky na pwede naman pala tulad ng role ko sa “Nuclear Family” na cougar ang peg na may mga ampon na lalaki pero boy toys pala niya. Iyong tipong hindi “run of the mill” na lang. I think, may conscious effort talaga,” aniya.
In the name of art and realism, how far can you go? Willing ka bang magpakita ng iyong kaseksihan dahil cougar ang role mo rito sa “Nuclear Family”?
“Iyon namang kaseksihan, relative siya. You could be sexy depende sa execution mo ng role mo. Siguro, iyong mag-bare ako ng back na naka-tube, okey lang sa akin,” sey niya.
Napaghandaan mo na ba kung paano bibigyan ng atake ang mga sexy scenes mo sa pelikula mong “Nuclear Family”?
“Naniniwala naman ako sa artistic compromise. At saka, iyong kwento would focus more doon sa kwento ng nuclear family at doon sa dilemma noong matriarch after magkaroon ng crackdown sa PDAF kung paano niya ike-keep iyong kanyang adopted family niya.”
As matriarch of the nuclear family, ano ang magiging pasabog mo?
“Siguro, iyong acting ko. Lalo na’t iyong director ko rito ay isang multi-award winning director na napakarami nang awards na nakuha ang pelikulang “Magkakabaung” here and abroad,” sey niya.
Dagdag pa ni Snooky, wala raw namang problema ang pagtanggap niya ng role ng isang corrupt na involved sa kickback sa gobyerno sa kanyang relihiyon.
“Naiintindihan naman nila iyong trabaho ko bilang actress. Actually, naikonsulta ko rin sa mga kapatid ko sa INC iyong role ko at maayos naman akong nagpaalam sa kanila. May blessing nila itong latest project ko.”
Hindi rin naniniwala si Snooky na magiging isyu ng pagkatiwalag niya sa INC ang pagtanggap niya ng offbeat role sa “Nuclear Family”.
Ang “Nuclear Family” ay mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana at sa produksyon ng BG Film.