SM Pampanga nagmistulang Chinatown, paputok sa Bocaue dinagsa ng mga Tsino

    575
    0
    SHARE
    Nagmistulang China Town ang  Main Atrium ng SM City Pampanga bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

    Sa pagbubukas noong Lunes ng SM City Pampanga ay agad na sinimulan ang dragon and lion dance sa loob ng Mall kahalintulad ng tradisyong ginagawa ng mga Tsino sa pagsalubong ng bagong taon.

    Tuwang tuwa ang mga tao lalo na ang mga bata sa kanilang nasaksihan.

    Mayroon ding ibinebentang mga Chinese good fortune paraphernalia sa Main Atrium ng SM City Pampanga.

    Pagka gabi ay nagsagawa naman sila ng spectacular fireworks display at noong Sabado ay ang parada naman ng mga Chinese lanterns.

    Sabayan ding ginawa ang kahalintulad na pakikiisa ng Chinese New Year Celebration sa SM City Clark Angeles City.

    Samantalang tatlong araw namang dumagsa ang mga Tsino sa bayan ng Bocaue, Bulacan upang mamili ng mga paputok na gagamitin sa pagsalubong ng Chinese New Year.

    Ayon kay Gina Gonzales, proprietress ng Gonzales Fireworks sa Barangay Binang ng bayang ito, hindi bababa sa P6,000 ang halaga ng mga pinamimiling paputok ng kanyang mga suking Tsino na karaniwang nagmumula pa sa Maynila.

    Ayon pa kay Gonzales, may mga mamimili pa siya na nagmula pa sa Isabela kung saan magdaraos ng isang fireworks show ang Chinese community doon sa ika-31 ng Enero.

    Malimit umanong bilhin ng mga Tsino ay ang mga produktong “Sawa” sa paniniwalang nakapag-tataboy ito ng masasamang espiritu kumpara sa mga pailaw.

    Sinabi rin ni Gonzales na bumaba na ng hanggang 20% ang halaga ng mga binebentang paputok sa kasalakuyan kumpara noong pagsalubong ng Bagong Taon ng mga Pinoy.

    Ito aniya ay dahil sa bumaba na rin ang demand ng mga materyales sa pag gawa ng paputok dahil sa kasalukuyang mababang demand.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here