SM Malls sa CL kaisa sa Earth Hour

    4036
    0
    SHARE

    CITY OF SAN FERNANDO — Nakiisa ang malalaking SM malls sa buong Central Luzon sa pagsasagawa ng Earth Hour upang ipakita ang kooperasyon sa layunin na iligtas ang lumulubhang lagay ng kalikasan sa buong mundo.

    Ang lahat ng mga SM malls – Marilao at Baliwag sa Bulacan; Pampanga, San Fernando Downtown at Clark sa Pampanga; Olongapo at Tarlac – ay nagpatay ng kanilang mga ilaw pagsapit ng alas-8:30 gabi ng Sabado.

    Ayon kay Liezel Carino, mall manager ng SM City Pampanga, 100 porsiyento ng kanilang mga ilaw sa labas ng mall ay pinatay sa loob ng isang oras samantalang 50 porsiyento naman ang naka-off sa loob ng mall.

    Maging ang mga tenants daw ay nakiisa sa pagdiriwang na ito. Gayundin ang ginawa sa ibat-ibang sangay ng SM malls sa buong bansa at sa China. Bago at matapos patayin ang ilaw, ay nagsagawa ng ibat-ibang programa para sa selebrasyon ng pagliligtas sa planeta.

    Mayroon silang fire dance at pagtugtog ng banda sa SM Pampanga samantalang tron dance at candle lighting naman ang sa SM Marilao. Sa pag-off ng ilaw ang tanging natira lamang ay mga LED light sa paso ng water bonsai na gawa ng mga SPED students.

    Na ipinatong sa 60+ na simbolo ng Earth Hour. Ang bonsai daw ang nagrerepresenta sa kalikasan at ang LED light naman ang simbolo ng pagtitipid sa kuryente. Ang Earth Hour anila ay pagpapakita na hindi pa huli upang magsagawa ng mga konkretong hakbang upang sagipin ang pagkasira ng mundo.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here