ang SK ay di na lubhang makailangan;
Ano’t di na lamang natin i-abolish yan
nang makabawas sa gastusing pambayan?
Ang barangay council ay sapat na para
gampanan ang lahat pati ang kanila,
kung kaya’t ang SK ay di na talaga
dapat pag-ukulan ng pansin kumbaga.
May barangay chairman na’t kagawad tayo
kung kaya aksaya na lang sa gobyerno,
ang magkarun tayo ng katulad nito,
na walang gaanong inaasikaso.
Di ko sinasabing ang SK ay walang
kabutihang maidudulot sa barangay,
pero ano’t ating kakailanganin pang
magkaroon ng karagdagang opisyal?
Kumbaga’y kumpleto na tayo sa lahat
na ng kagamitan, tauhan at armas
ang ating ‘battleship’ sa kanyang pagtulak,
ano’t kailangan pa nga nating magdagdag?
Ng kahalintulad ng SK, na tila
palamuti lang at kalimita’y wala
din namang parating nakatokang gawa
bilang ‘local offi cials’ ng ating bansa.
Di ko ninanasa na makapanakit
ng damdamin sa’king bagay na nabanggit,
pero tunay naman ding nasa matuwid
at tama lang itong aking ninanais.
Kasi, may konseho na ang bawat baryo,
na siyang opisyal na umaasikaso
sa hurisdiksyon n’yan para sa kabaryo,
kaya kasobraan na ang isang ito.
Na wala rin naman ding iniintindi
ang karamihan sa SK na nasabi;
Kung kaya nga’t higit na makabubuti
ang i-abolish na rin (pati na ang SB?)
Na wala rin naman ding silbi iba
sa puntong ang tunay na tungkulin nila
para sa bayan ay nakalimutan na,
at wala nang alam kundi ang umasa
Sa inaasahan na buwanang sahod
o ‘honoraria’ na bagama’t karampot
ay malaking bagay na’t puedeng panghulog
ng ‘appliance’ saka iba pang panggastos.
Maliban sa iba pang pagkakitaan
ng isang opisyal na halal ng bayan,
kung saan sa puntong yan nag-aagawan
ang maraming gustong makapanungkulan?
Sabihin na nating iba ang kanila
kaysa dalawang sangay ng batasan pa
ng local government, pero yan ay mitsa
din marahil minsan ng napakaaga
Nilang pagsawsaw sa maruming ‘politics,’
na di pa marapat itanim sa isip
habang nag-aaral pa at nagnanais
na makapagtapos nang walang balakid.
Kasi nga, imbes na maimulat natin
sa mabuti at marangal na gawain
ay pagkamulat sa minsan ay maruming
ehemplo itong sa utak matatanim.
Pagkat kung ano ang nakita ng bata
na ginagawa ng mga matatanda,
ang siyang gagawin din n’yan kaipala,
Kasi yan ang TAMA sa kanyang AKALA?!