SIS pa rin ng tsampiyon!
    (walang bumanggang di tumumba)

    430
    0
    SHARE
    Wala na sa ere sa Pebrero 19 ang Boy & Kris nina Boy Abunda at Kris Aquino. Instead, the two will be hosting a new show sa hapon on the same date. Palit sa kanila ang tandem nina Ruffa Gutierrez at Ai Ai Delas Alas. Na kesyo, magsasanib na raw ang dalawang reyna, sabi pa ng blurb nila sa tv. Pero teka, tumagal kaya sila?

    As far as we know, SIS has been the champion sa kanilang slot for many years now. Ilang shows na ng ABS-CBN ang bumangga sa triumvirate nina Janice & Gelli de Belen at Carmina Villarroel. Parang ayaw na naming bilangin kung ilan na nga sila. Sapat nang sabihin naming tumumba ang lahat ng show na sumabay sa SIS.

    Heto nga ngayon sina Ruffa at Ai Ai. Sila naman ang susubok na makisabay sa galling ng tatlo sa SIS. Ngayon pa lang, puwede naming sabihing baka isa o ilang season lang, tutumba rin ang dalawa.

    Pero hindi pa panahon para sabihin yun ngayon. Ang mas importante, bago ang concept ng show pero sana, di magpaistaran ang dalawang OA na aktrtes. As far as we know, bad combination ang dalawang talk show hosts na parehong madada. Kumbaga, mahirap silang magkaroon ng chemistry dahil nga sobrang karunungan nina Ruffa at Ai Ai. At the most, baka magpaistaran sila and that’s when the going gets rough. Remember, halos ganyan yung unang naging diskarte noon nin Kris at Boy Abunda pero na-realize nilang one has to tame para maging epektibo sila. Si Boy na ang nagparaya na hinayaang maging madada si Kris Aquino. But to no avail. Ayan nga, malapit na silang mabura ang SIS sa time slot na yun.

    Anyway, bakit nga ba sobrang effective ng SIS?

    May puso kasi ang show, well conceptualized ang lahat ng episodes and most of all, nagdye-jell sina Camina, Janice at Gelli.

    At siyempre, magaling at maraming ideas ang director ng show na si Louie Ignacio.

    Hindi ba, Lolo Buenaobra?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here