Sinu-sino ang dapat iboto?

    424
    0
    SHARE
    ANG DI pagbigay ni PNoy ng pahintulot
    kay Gloria Arroyo para magpagamot
    ay isa sa isyung kay Senador Marcos
    itatanong sana ng inyong abang lingkod

    Nitong ilang araw na nakalilipas,
    na bumisita si Bongbong Marcos sa Clark,
    Kaya lang ay isa ring mamamahayag
    na kasama natin ang nagtanong agad

    Kay Marcos sa ‘prescon’ na isinagawa
    sa tanggapan mismo ng ‘Bale Balita,’
    Kung anong posibleng masasabi ika nga
    ng butihing anak ni ‘Apo’ kay ‘Kaka’

    O sa ating mahal na dating Pangulo,
    na ipinakulong ng rehimeng Aquino;
    At ayaw niyang bigyan ng ‘full access’ ito
    para magpatingin kung saan n’yan gusto.

    Gayong suspek pa lang ang ating Kabayan
    at di pa nga lubos na napatunayan
    sa harap ng Korte ang ibinibintang
    na kasong ‘graft’ hanggang sa kasalukuyan.

    Humigit-kumulang sa naging pahayag
    ng ating senador ay may maliwanag
    na kahantungan ang malabo pang bukas
    ni Madam sakalit Bongbong ang pinalad

    Na maging Bise ng sinuman palaring
    mahalal para sa eleksyong darating,
    sapagkat lahat na riyan ng maaaring
    ibigay kay ‘Atsi’ ay kanyang gagawin.

    Gaya nang pagtrato na ginawa noon
    ni Apo kay Ninoy, na kahit subersyon
    ang naging kaso niya nang panahong iyon
    at tunay naman ding siya’y nakakulong

    Pero kahit pa man siya’y nahatulan
    na ng ‘death by firing squad’ ng militar
    ay pinayagan pa rin ni Apo Lakay
    upang sa States ay magpa-opera yan.

    Nabuksan ang bagay na yan nang magpunta
    si ‘V.P. candidate’ Marcos sa Pampanga;
    Kung saan sinabi sa harap ng Media
    na ‘un-Filipino’ ang ‘treatment’ kay Gloria

    Nitong katulad ng sa Palasyo ngayon,
    na asa’y siya na ang pinaka-marunong
    sa lahat kung kaya ang administrasyon
    ng isang gaya niya ay usad paurong?

    At imbes ‘Tuwid na Daan’ ang tinahak
    ay baku-bako ang hantungan at sukat,
    Tulad ng malinaw na kita ng lahat
    (ayon kay Obligar ng ‘Channel 25’).

    Na isa sa ating kinikilala riyan
    bilang respetado’t pinaka-matapang
    na komentarista sa kasalukuyan,
    laban sa buwayang kati at tikbalang.

    Na di na nagsawa sa pangungurakot
    sa kaban ng bayan kung kaya nga’t halos
    ang laman ng baul muntik nang masimot
    sa mga ‘hi-tech’ na klaseng mandurukot.

    Panahon na upang ang administrasyon,
    na kagaya nitong kay Pangulong PNoy
    ay mapalitan na riyan ng mga bagong
    salta, at di Trapo ‘comes May 9 election’!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here