Na pupuedeng datnan at laging ‘visible’
Sa kanyang tanggapan sa buong maghapon;
Maliban nga lang kung may ‘official function’
Na dapat gampanan ‘outside the Capitol’
At pansamantalang magbakasyon muna
Sa pagiging Coach ng basketball lagi na,
May mga instansya kasing siya’y imbes na
Nasa Kapitolyo, nasa Maynila siya?
At di man nahawa sa ibang opisyal
Na kalimitan ay Lunes lang nariyan
At di na makapa bago pa mag-‘lunch time,’
Pero si Yeng tila kakaiba po naman?
Pagkat karaniwa’y makapananghali
Ang pasok ng anak ng governor dati,
(Aywan nga lang kung sa oras ng pag-uwi
Ay di rin palagi nang nagmamadali!)
At kung tuwing session lamang dumarating
Na kagaya nitong ibang Bokal natin,
Papano ang iba pang mga gampanin
Na kinakailangan din nitong harapin?
Kaya bunsod ng di mahagilap halos
Ang ibang opisyal nating iniluklok,
Anong maasahan po natin ng lubos
Kundi ng ika nga ay serbisyong bulok?
At ang madismaya, lalo’t ang opisyal
Na pagpunta natin ay nangangailangan
Ng ‘immediate action’ sa puntong naturan
Na sila’y bihira po nating madatnan?
Pero kung si Yeng ay magiging aktibo
At sundan ang bakas ng amang yumao,
Ay walang dahilan upang hindi nito
Makuha ang kanyang pinakagugusto!
Yan ay ayon na rin sa nakararaming
Nakakapanood sa ‘game’ nitong ating
Present vice governor na ok ang dating
Sa masa kung siya’y kakandidato rin.
Liban na lang kung sa kampo ng Pineda
Ay talagang wala nang hahabol muna;
Pagkat alin man po sa mag-inang Lilia
At Dennis ay baka mameligro sila.
Kasi nga bukod kay Governor Panlilio
Ay tila wala nga ngang katalo-talo
Si Lilia Pineda laban kung kanino,
Kung siya ang muling sasabak ng husto.
Ya’y base na rin sa ating obserbasyon
Sa magiging takbo ng lokal na eleksyon;
Lalo na po nitong ang ‘priest-turned-governor’
Is no longer seeking for a reelection;
Kundi ‘for a higher post in the government,
Of which is either for Solon or President’;
(Na ikagagalak siyempre ng opponent
Ni Among ang siya’y di na mag-‘reelect’!)
At di na kasali kumbaga sa ‘contest’
Ng pabilisan sa pagtakbo si Gob Ed,
Na itinuturing nilang isang ‘grave threat’
Laban sa kanila ‘for being so straight.’
Na aywan kung bakit di naman matanggap
Nitong iba pa riyang lokal na opisyals
Na si Among Ed ay malinis at tapat
At malayong sa tungkuli’y maging corrupt!
Sa kanyang tanggapan sa buong maghapon;
Maliban nga lang kung may ‘official function’
Na dapat gampanan ‘outside the Capitol’
At pansamantalang magbakasyon muna
Sa pagiging Coach ng basketball lagi na,
May mga instansya kasing siya’y imbes na
Nasa Kapitolyo, nasa Maynila siya?
At di man nahawa sa ibang opisyal
Na kalimitan ay Lunes lang nariyan
At di na makapa bago pa mag-‘lunch time,’
Pero si Yeng tila kakaiba po naman?
Pagkat karaniwa’y makapananghali
Ang pasok ng anak ng governor dati,
(Aywan nga lang kung sa oras ng pag-uwi
Ay di rin palagi nang nagmamadali!)
At kung tuwing session lamang dumarating
Na kagaya nitong ibang Bokal natin,
Papano ang iba pang mga gampanin
Na kinakailangan din nitong harapin?
Kaya bunsod ng di mahagilap halos
Ang ibang opisyal nating iniluklok,
Anong maasahan po natin ng lubos
Kundi ng ika nga ay serbisyong bulok?
At ang madismaya, lalo’t ang opisyal
Na pagpunta natin ay nangangailangan
Ng ‘immediate action’ sa puntong naturan
Na sila’y bihira po nating madatnan?
Pero kung si Yeng ay magiging aktibo
At sundan ang bakas ng amang yumao,
Ay walang dahilan upang hindi nito
Makuha ang kanyang pinakagugusto!
Yan ay ayon na rin sa nakararaming
Nakakapanood sa ‘game’ nitong ating
Present vice governor na ok ang dating
Sa masa kung siya’y kakandidato rin.
Liban na lang kung sa kampo ng Pineda
Ay talagang wala nang hahabol muna;
Pagkat alin man po sa mag-inang Lilia
At Dennis ay baka mameligro sila.
Kasi nga bukod kay Governor Panlilio
Ay tila wala nga ngang katalo-talo
Si Lilia Pineda laban kung kanino,
Kung siya ang muling sasabak ng husto.
Ya’y base na rin sa ating obserbasyon
Sa magiging takbo ng lokal na eleksyon;
Lalo na po nitong ang ‘priest-turned-governor’
Is no longer seeking for a reelection;
Kundi ‘for a higher post in the government,
Of which is either for Solon or President’;
(Na ikagagalak siyempre ng opponent
Ni Among ang siya’y di na mag-‘reelect’!)
At di na kasali kumbaga sa ‘contest’
Ng pabilisan sa pagtakbo si Gob Ed,
Na itinuturing nilang isang ‘grave threat’
Laban sa kanila ‘for being so straight.’
Na aywan kung bakit di naman matanggap
Nitong iba pa riyang lokal na opisyals
Na si Among Ed ay malinis at tapat
At malayong sa tungkuli’y maging corrupt!