Halos one-third ng lalawigan kabundukan ng Sierra Madreng Bulacan ang malawak na na nasasakop ng bayan ng Donya Remedios Trinidad (DRT) na ipinangalan sa ina ni dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos.
Ngunit hindi si Tarzan o ang leon na si Simba ng animated movie na "Lion King" ang hari doon.
q q q
Hindi rin ang kapitan ng mga barangay o ang alkalde ang nasabing bayan ang nasusunod.
Lalong hindi ang gobernador ng Bulacan na ayaw makialam sa kaguluhan kabundukang sagana sa mina ang nasusunod sa bundok.
q q q
Kung ang retiradong si Heneral Jovito Palparan na binansagan ng mga militante na "berdugo" ang tatanungin, iisa lamang ang masasabi niyang hari sa kabundukang nasasakop ng DRT partikular na sa minahan ng bakal doon.
Ayon kay Palparan, kung sino ang may pera ay siyang nasusunod sa kabundukan.
q q q
Matatandaan na noong Abril 11 ay parang siga na pinasok ni Palparan ang pasilidad ng Ore Asia Mining and Development Corporation (Ore Asia) sa Brgy. Camachin, DRT. Kasama niya noon ang may 100 armadong kalalakihan.
Nilisan lamang niya ang nasabing luugar ng dumating kinabukasan ang mga media na ang mga camera ay nahagip siya at ang ilan sa kanyang mga tauhan habang sila ay nagpupulasan.
q q q
Kasunod nito aya ng patong-patong na demanda na isinampa ng Ore Asia laban sa kanila at mga opisyal ng Oro Development Corporation 2 (Odeco 2) na diumano’y nagbigay sa kina Palparan ng kontrata at utos na pasukin ang nasabing pasilidad.
Di pa doon natapos ang lahat. Matapos makasuhan sa korte ay pinutol ng Odeco 2 ang kontrata kay Palparan nong Hunyo 15 ngunit Hulyo 10 na niya nakuha ang termination paper.
q q q
Noong Hulyo 11, dumating ang mga pulis ng Bulacan sa kabundukan at ang hinahanap ay ang mga tauhan ni Palparan sa 24-hours Security Agency.
Nasundan pa ito ng pagsalakay ng may 60 armadong kalalkihan noong gabi ng Hulyo 12 na nagpakilalang mga rebeldeng NPA at ang pakay din ay amg tao ni Palparan. Sa kasamaang palad, ay isang tauhan ng K-9 security agency ang napatay ay isa pa ang nasugatan ng magkaputukan.
q q q
Di pa rin doon natapos ang istorya. Noong unang linggo ng Agosto, sinamahan ni Palparan ang dalawang sheriff mula sa Regional Trial Court ng Malolos upang ihain ang Temporary Restraining Order (TRO) na nag-uutos sa mga guwardiya sa kabundukan na bumaba.
Ngunit sa halip na sumunod ang mga guwardiya ng Odeco 2 ay sinabi ni Palparan na tinutukan sila nito ng baril pati na ang dalawang sheriff.
q q q
Kasunod nito ay ang operasyon ng PNP. Ani Palparan, siya ang hina-hunting ng mga pulis, ngunit sabi ng pulisya, wala silang warrant of arrest laban kay Palparan at pinabulaanan na hina-hunting nila ito.
Bukod dito, nakunan din ng tatlong TV networks ang mga dalawang truck na sundalo at pulis mula sa 306
th provincial mobile group sa kabundukan ng sila ay umakyat’, ngunit ng makita sila ay nasabing, "bakit may media", at sakay nagsialis.
q q q
Ano talaga ang pakaya ng mga pulis at sundalo sa kabundukan ng DRT ay bakkit natakot sila ng makita ang mga media?
Sabi ng Bulacan police ay hands off sila sa gulo sa DRT dahil intra corporate affairs iyon, ngunit bakit hanggang ngayon ay nawawala ang apat na tao ni Palparan na inaresto ng pulis na sinasabi nilang pinauwi nila?
q q q
Bakit hindi maipaliawang na maayos ng kapitolyo ng Bulacan at ng panglalawigang pulisya ang mga kkaganapan sa kabundukan ng DRT?
Sino ba talaga si Willy Keng na kilala rin sa tawag na Go Kong Ket na dati ay nasa likod ng Matatag Minikng Corporation? Gaano ba siya kalakas sa pulisya at sa kapitolyo?