Ang pagkasawi ng apat-na-pu’t apat
Na pambansang pulis, kung saan sa ulat
Ay di malaman o direktang matiyak
Kung sino talaga sa nakatataas
Nating opisyales sa pamahalaan,
Nanggaling ang utos na arestuhin nyan
Ang kilabot na teroristang si Marwan,
Nang ni wala yatang koordinasyon man lang
Na namagitan o sinunod ang sukat
Isaalang-alang bago pinatupad
Ang pagdakip at/o pag-serve nyan ng ‘warrant
of arrest,’ at ngayon di alam ang dapat
Sisihin ng bayan kung ang PNP Chief,
(Na si Purisima, na ngayon ay ‘on leave’
O suspendido) ay ang ‘Commander-in-Chief’
Sa ganang akin ang mananagot pilit.
Sa pagkasawi ng mga naatasang
Dakpin ang isang ‘most wanted’ na kriminal
Na ‘five million dollrs’ ang ‘reward’ na bigay
Sa makahuli o kaya makapatay.
At komo pumalpak ang nasabing misyon,
Na nag-resulta sa pagkamatay nitong
Binansagan nila na “Fallen 44”,
Ang nasa likod n’yan nagtatago ngayon?
Pero kung tagumpay at di nag-resulta
Sa pagkasawi ng inutusan nila
Na i-serve ang ‘warrant’ kay Marwan, tiyak na
Mag-aagawan ang gustong maging bida
Sa papuri at sa makukuhang ‘award’
At magiging ‘Superstar in an instant;’
Pero ang tunay na mabigyan at sukat
Ng papuri’t dangal etse puwera lahat?
Bilang pangulo ay may saguting moral
Si PNoy sa lahat ng kapamilya riyan
Ng sinamangpalad nating kapulisan
Bunsod ng nangyaring mga kapalpakan
At kawalan ng sapat na koordinasyon,
Dala na rin nitong si Pangulong PNoy
Ay para bagang siya ay may tinatagong
‘Lapses’ sa nangyaring yan sa Maguindanao.
Kung saan animo ay nagtuturuan
Itong si Mar Roxas at ang Malakanyang
Dala nitong sila’y kapwa walang alam
Kung sinong may ‘Order’ na dakpin si Marwan?
Pero di ba’t si Mar ‘as DILG Chief’
Ang may alam dapat sa tangkang pagdakip
Kay Marwan, ngunit ang di natin malirip
Ay kung bakit aniya sa kanya ay lingid
Ang operasyong yan sa Mamasapano,
Na kung saan nga ay tinadtad ng punglo
Ng mga kaaway ng ating gobyerno
Ang mga pulis na inutusan dito
Nitong nagtatago sa pundilyo mismo
Ni PNoy, (kundi man ang ating Pangulo)
Ang ayaw lumantad at aminin nito
Na siya ang may utos (at di ang kung sino?)
Ano’t-anuman ang magiging resulta
Ng binalangkas na “board inquiry” baga
Na siyang aatasang mag-iimbestiga
Sa insidenteng yan ay ano pa nga ba?
Ang mapapala ng mga naiwanan
Nitong biktima ng grabeng kapalpakan
Ng rehimeng Aquino kundi hinagpis lang
Hanggang sa matapos ang ‘terms of office’ nyan?!