Hanggang ngayon, marami ang curious sa love affairs ni Kim Chiu, pahulaan kung sino ba talaga’ng mapalad na lalaki, kapalit sa puso niya kay Gerald Anderson.
Kahit kasi hindi sila umamin na naging sila. Mukha talagang may seryosong nangyari sa kanilang loveteam.
Otherwise, hindi naman ganun maging kagulo yung paghihiwalay nila ni Gerald noon.
Yes, there are inklings na seryoso na si Kim noon kay Gerald. Umabot ito sa puntong nakikiligo pa siya sa bahay ni Gerald. And yes, dami raw niya regalong gadgets and appliance bago sila nag-break.
At hindi ba naging matindi ang pag-iyak ni Kim Chiu at ni Gerald sa isang presscon ng huling pelikulang pinagsamahan nila. Sad to say, flop yung movie kaya hindi na sila muling pinagsama pa ng Star Cinema.
Marami naman ang curious sa love life ni Kim. Everybody wants to find out kung sino ba ang bagong nagpapatibok ng puso niya ngayon matapos ang relasyon nila ni Gerald Anderson.
Sey ni Kim ay may mga nanliligaw naman sa kanya although ayaw na siyempre niyang sabihin kung sinu-sino.
“Nahiya naman ako. Sasabihin ko nililigawan ako nito tapos hindi naman pala. Andyan lang naman (sila) and thank you dahil wala lang… ganyan lang,” natawang sabi ni Kim.
And yes, kagagaling lang ni Kim Chiu sa Hong Kong para mag-shoot ng ilang mga eksena sa Binondo Girl kasama ang leading man na si Matteo Guidicelli. First time ng young actress na mag-taping sa ibang bansa kaya naman thankful siya na nabigyan siya ng ABS-CBN ng ganitong proyekto.
“Masaya and excited kasi bagong experience for me. Hindi naman lahat ng show ng ABS-CBN magsi-shoot sa ibang bansa, so nagpapasalamat and thankful, nabigyan ako ng ganitong chance,” pahayag ni Kim sa kanyang panayam sa The Buzz.