MALOLOS—Handang-handa na ang Bulacan sa walong araw na Singkaban Fiesta, ang pinakamahaba at pinakamalaking pistang ipinagdiriwang sa lalawigan bawat taon sa pangunguna ng kapitolyo.
Ayon sa mga opisyal, mas matipid ang pagdiriwang sa taong ito kumpara sa mga nagdaang taon dahil kalahati lamang ng nakalaang pondo ang kanilang gugugulin batay na rin sa polisiya para sa pagtitipid ni Gob. Wilhemino Alvarado.
Gayunpaman, tiniyak nila na mas magiging makabuluhan para sa mga Bulakenyo ang bawat araw ng pagdiriwang dahil ang bawat gawain ay nakatuttok o may lakip na paglilingkod sa bayan.
“Handang-handa na ang Bulacan para sa Singkaban Fiesta,” ani Bise Gob. Daniel Fernando sa eksklusibong panayam noong Biyernes, Setyembre 2, matapos ang pagsasagawa ng kauna-unahang “Talakayang Bulakenyo.”
Inanyayahan din niya ang bawat Bulakenyo na dumalo at makilahok sa mga programang inihanda ng kapitolyo para sa pagdiriwang ng Singkaban Fiesta na magsisimula sa Setyembre 8 at matatapos sa ika-15 ng buwan.
Ang nasabing pagdiriwang at pinasimulan ni dating Gob. Ignacio Santiago, at ipinagpatuloy at higit na pinalawak ng mga sumunod na gobernador na sina Roberto Pagdanganan, Josefina Dela Cruz at Joselito Mendoza.
Sa panahon ng panunugkulan ni Dela Cruz ang taunang pagdiriwang ay tinawag na “Singkaban Fiesta” na hinango sa salitang “singkaban” o ang arkong gawa sa kawayan na ginagamit sa mga pista.
Binigyan din ito ng bagong kahulugan na “Sining at Kalinangan ng Bulacan” bilang pagbibigay kahalagahan sa makulay na kasaysayan, kalinangan at sining ng liping Bulakenyo.
Noong 2006, ang nasabing pagdiriwang ay isinagawa sa loob ng isang buwan o mula Agosto 15 hanggang Setyembre 15.
Ang Agosto 15 ay ang araw na tinukoy ng mga Bulakenyong historyador na nagsipagsaliksik bilang opisyal na pagkakatatag ng Bulacan bilang isang lalawigan noong 1578.
Ang Setyembre 15 naman ay ang araw ng pagbubukas ng Kongreso ng Malolos sa Simbahah ng Barasoain, na siyang nagsilang sa kauna-unahang demokratikong republika sa Asya.
Ngunit matapos ang 2006, ibinalik sa walong araw ang pagdiriwang ng Singkaban Fiesta. Sa taong ito, ibinalik sa Agosto 15 ang pagsisimula ng paggunita sa pista, ngunit higit na maliit ang pondong gugugulin.
Ayon kay Provincial Administrator Jim Valerio, umaabot sa P20-milyon ang ginugugol ng pamahalaang panlalawigan para sa Singkaban Fiesta.
Ngunit sa taong ito ay halos kalahati lamang ng kanilang gugugulin, alinsunod na polisiya ni Alvarado para sa pagtitipid.
Matatandaan na bago pa manumpa si Alvarado bilang ika-31 gobernador ng lalawigan ay ipinahayag niya na ang mga programang may halong pulitika ng sinundang administrasyon ay kanilang rerebisahin, at kung kailangang itigil ay kanilang ititigil.
Para naman sa mga programa magagarbo, ito ay kanilang babawasan ng pondo at itutukoy ang pondo sa pangangailangan ng taumbayan.
Ayon pa kay Valerio, ang pagtitipid ng kapitolyo ay hindi nangangahulugan na magiging malungkot ang pagdiriwang.
Sinabi niya na nakatitiyak sila na ito ay mas magiging makabuluhan para sa mga Bulakenyo ang pagdiriwang na may temang “Lalawigan Ko’y Ikaw, Kasaysayan Mo’y Iingatan, Serbisyo Publiko’y Iyong Makakamtan.”
Ito dahil na rin sa nakatutok sa serbisyo publiko ang kanilang bawat programa na iinog sa pitong programang pangkaunlaran ni Alvarado.
Kabilang dito ang pangangalaga sa kalikasan, kalusugan, edukasyon, mapanagutang pamamahala, kabuhayan, katahimikan at kaayusan, kasaysayan at kalinangan.
Ayon naman sa Provincial Public Affairs Office (PPAO), inaasahang dudumugin ng mga tao ang bawat araw ng pagdiriwang.
Ito ay dahil na rin sa mga programang inihanda tulad ng parada ng mga karosa, mananayaw, at banda na patitingkarin ng pagpapamalas ng mga sikat na festival sa lalawigan gaya ng Carabao Kneeling Festival at Sayaw sa Obando sa Setyembre 8.
Susundan ito ng pagbubukas ng Bulacan Travel Mart, Tatak Bulakenyo Trade Fair at Techno Demo, Dakilang Bulakenyo Exhibit tampok ang pambansang alagad ng sining na si Nick Joaquin, at Lakan Sining Exhibition.
At dahil edukasyon ang tema para sa Setyembre 8, nakatakda ring ipamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Alvarado ang scholarship grant para sa may 2, 500 iskolar ng lalawigan na may halaga mula P2, 500-P5,000 kaugnay ng programang “Tulong Pang-Edukasyon, Gabay sa Bagong Henerasyon na gaganapin sa Capitol Gymnasium”.
Imbitado bilang panauhing pandangal si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang higit na patingkarin ang pagbubukas ng mga nakatakdang gawain sa araw na ito.
Narito ang iba pang gawaing isasagawa sa mga susunod na araw ng Singkaban Fiesta batay sa opisyal na pahayag ng PPAO.
“Sa Setyembre 9 na may temang kalusugan, mamamahagi ng Philhealth card sa may 1,200 pamilya ng mga kasapi ng TODA; magsasagawa rin ng medical mission kung saan inaasahang 1,500 Bulakenyo ang makikinabang sa libreng konsultasyon, medikasyon at gamot habang 60 pasyente na may harelip and cleft palate o bingot naman ang pagkakalooban ng libreng operasyon sa Baliwag District Hospital sa tulong ng Philippine Band of Mercy. Magkakaroon din ng kumpetisyon ng mga mag-aaral sa Kundiman, Balagtasan at Sayaw na umiikot pa rin sa temang kalusugan.”
“Ang ikatlong araw ay nakatuon sa temang kapayapaan at kaayusan kung saan matutunghayan ang Araw ng Lingkod Lansangan , The Singing Police, at Awit ng Kabataan Concert. Inaasahang maihahalal ang mga opisyal ng Panlalawigang Pederasyon ng mga Drayber sa Araw ng Lingkod Lansangan.”
“Ang mapanagutang pamamahala naman ang tema sa ika-11 ng Setyembre, at dito nakapaloob ang Mobile E-Passport Service, Araw ng Barangay tampok ang Gawad Galing Barangay, Himig ng mga Lingkod Bulakenyo, at koronasyon ng Lakan at Lakambini ng Bulacan.”
“Para sa araw ng kalikasan at kapaligiran ng Singkaban Fiesta sa Setyembre 12, sabayang isasagawa ang Takbuhan para sa Kalikasan, isang fund-raising fun run para sa rehabilitasyon ng mga kailugan ng Marilao-Meycauayan-Obando at Angat, gayundin ang treeplanting activity sa ilang angkop na lugar sa lalawigan.”
“Sa temang kabuhayan naman umiinog ang Setyembre 13, at nakatakdang ipagdiwang dito ang Araw ng Magsasaka at Mangingisda na kinapapalooban ng Agri Achievers Award at Folk Media Presentations, habang sa gabi naman matutunghayan ang Kasalang Bulakenyo tampok ang pagrampa ng mga modelo kabilang ang mga unang ginang at babaeng opisyal suot ang mga magagarbong kasuotang likha ng Fashion Designers of Bulacan at Disenyong Pandi.”
“Ang huling dalawang araw ay pawang may tema na kultura at kasaysayan. Sa Setyembre 14, pararangalan sa Gawad Dangal ng Lipi ang mga natatanging anak ng Bulacan na namayagpag sa larangang kanilang ginagalawan. Una rito, isasagawa ang maghapong Jobs Fair na lalahukan ng may 50 kumpanyang nag-aalok ng trabaho sa loob at labas ng bansa.”
“Sa huling araw ng Singkaban Fiesta, gugunitain ang ika-112 Anibersaryo ng Kongreso ng Malolos sa makasaysayang simbahan ng Barasoain kung saan rin gaganapin ang Hapag Bulakenya.”
“Ang panapos na gawain sa gabi ay tinawag na Konsyertong Bulakenyo na magtatampok sa mga sikat na mang-aawit at artistang Bulakenyo na patitingkarin pa ng isang espesyal na fireworks display na magtatagal ng 10 minuto sa bakuran ng Kapitolyo, upang ihudyat ang isang masaya, makulay, makabuluhan at hindi makakalimutang pagdiriwang ng Singkaban Fiesta.”