Sina Isko Moreno, Herbert Bautista, Ato Agustin, Maricel Morales at iba pang artistang kandidato sa 2013 elections

    412
    0
    SHARE

    Pressured at stressed kapuwa ngayon sina Isko Moreno, kasalukuyang vice mayor of Manila at ang mayor ng QC na si Herbert Bautista. Both have active detractors na panay ang paninira sa kanila.

    But it seems, di naman apektado ang dalawa dahil alam nilang mahal sila ng mga constituents nila.

    Kaya lang nga, di tumitigil ang mga naninira sa dalawa.

    Gaya ng kay Isko Moreno na panay ang banat sa di umano’y mga ghost employes niya. Pinalalabas na may dalawang daang katao ang nasa listahan ni Isko na di umano’y tumatanggap ng dose mil kada buwan.

    Sa kasalukuyan, iniimbestigahan si Isko and we can only surmise that this is a political ploy.

    Nagkaroon kasi siya ng falling out sa kanyang ka-tandem na mayor at kumampi sa iba,  kaya natural na hinahanapan siya ng maraming butas para siraan.

    Kung ano ang kahihinatnan ng imbestigasyon, abangan po natin.

    Tuluyan kayang mawasak ng mga kalaban  si Isko Moreno?

    So far, ganyan din ang nangyayari ngayon kay Herbert. Like Isko Moreno, katakut-takot na flak ang tinatanggap niya. But like a brave warrior, lalaban nang husto si Bistek para patunayang malinis ang kanyang pagkatao.

    On the local front, meaning sa Pampanga, dalawang celebrities  ang nasa limelight.

    Una si Maricel Morales who has been a consistent winner sa Angeles City politics Marang nagawa Mricel so it is just fitting and proper na makakuha ulit siya ng puwesto.

    We haven’t heard yet kung anong posisyon ang tatakbuhin ni Marang but we are sure na muli siyang magiging winner.

    Sa City of San Fernando, nasa front si Ato Agustin, isang sikat na basketbolista in his time, ay taakbong vice mayor.  Marami ang may gusto kay Ato kaya naman inspired siya to roam around the city para sa initial niyang pagpapakilala.

    Already, maraming seribisyo ang binibigay niya sa mga mahihirap kababayan natin dito.

    Ipinagpapasalamat po naming isa kami sa natulungan ni Ato Agustin by giving us medicnes noong magkasakit kami.

    Hindi po namin siya ikinakampanya at this point, lamang pinupuri namin ang magandang gawaing baka sakaling makatulong sa pagkamit ng minimithi niyang local position.

    And speaking of artistang nasa linya ng politics, we came across a blog sa Facebook ng listahan  ng mga artistang sasali this May 2013 election:

    Erap Estrada, Mayor ng Maynila, Under UNA (coalition ng PMP at PDP-Laban), kalaban ni Lim.

    George Estregan, Jr., incumbent Laguna Governor, He will be challenged by 4th District Rep. Edgar San Luis; Daniel Fernando, incumbent Bulacan Vice-Governor.

    He will be challenged by Phillip Salvador (as of this time, disqualified na si Philip because of residency problem).

    Richard Gomez, Mayor ng Ormoc, Leyte; Lucy Torres-Gomez, incumbent 4th District Rep, Leyte, will run unopposed.

    Lani Mercado,  Alma Moreno, Anabelle Rama, Manny Pacquiao, Alfred Vargas, Vilma Santos-Recto, Aga Muhlach,  Leo Martinez, Leah Navarro, Tanya Garcia, Vic Sotto, Onemig Bondoc, Luis Manzano, Aiko Melendez, Roderick Paulate, Boyet De Leon at Teri Onor.

    Malamang daw na mas hahaba pa’ng list pagsapit ng registration ng COC.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here